Maraming pinagdaanan ang lolo at lola ko noon. Ayun sa kwento ni Lola, si lolo raw noon ang pinakamakisig sa lugar nila. Bukod dito'y galing rin ito sa mayamang angkan.

Tutol ang pamilya ni lolo sa pagmamahalan nilang dalawa kaya mas pinili nilang lumayo. Tinalikuran ni lolo ang pamilya nya at ang pagiging nag-iisang tagapagmana para kay lola. Kahit di sanay sa mahirap na buhay ay nagsumikap ang lolo para buhayin ang pamilya nya kaya natuto itong mangisda.

"Seren..." Mabilis kong nilingon ang may-ari ng baritonong boses na iyon. Sa simpleng pagtawag pa lang nya ng pangalan ko ay iba na ang epekto sakin.

"May kailangan ka Yuan?" mariin kong pinagmasdan ang mukha nya. May nakasabit na tuwalya sa balikat nya.

Namumungay ang mga mata nito. Medyo magulo ang buhok, halatang kagigising pa lang pero ang gwapo pa rin nyang tignan.

"Seren!" Natauhan ako dahil medyo napalakas ang pagtawag nya sakin.

"Huh? A-ano uli 'yon? Pasensya na Yuan di ko narinig."

I heard him laughed.

Shit! Ba't ba kasi natulala ako?

"Ayos ka lang ba? Ang pula na naman ng mukha mo. May lagnat ka?" mataman nya akong tinignan. Nagtatama ang mga mata namin.

Ilang sandali pa'y inalis nito ang maliit na pagitan saming dalawa at sinapo ang noo ko.

Di ako makahinga ng maayos! Shet ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kalma ka lang Seren. Baka marinig nya yang puso mo!

Mabilis pa sa alas kwatro ang paglayo ko. Nag-iwas ako ng tingin. Huminga ako ng malalim bago lakas loob na nagsalita.

"W-wala, ano nga uli yung sinasabi mo?"

"I'm asking kung saan kami kukuha ng tubig na panligo?"

"Sensya na wala kaming gripo sa banyo. May malalim na balon sa labas. Don kami Sumasalok  ng tubig. Yun ang ginagamit naming panlaba at panligo."

"Ah okay salamat"

Isang ngiti at tango lang ang iginawad ko sa kanya matapos non ay humakbang na ako para marating ang silid ng dalawa kong pinsan.

Bigla kong naalala yung gusto kong itanong sa kanya mula nong isa pang linggo. Gusto kong malaman kung saan sya pumunta nong gabing yun. Gusto kong malaman kung bakit di na sya bumalik sa party.

Nilingon ko sya.

"Yuan.."

Huminto ito saglit at nilingon ako. Puno ng pagtataka ang mukha nya.

"Why?"

"Gusto—"

"Kuya, ate Telen?" Nilingon ko ang nagmamay-ari ng maliit na tinig na iyon. Makita ko si Cheska na nakatayo sa may pinto. Kumukurap ito habang nagpupunas ng mga mata.

Nagpalipat ang tingin nito sa amin ni Yuan.

"Tabi ko na nga ba ate Telen may gusto sayo si kuya—" Tinakpan ko agad ang bibig nya para di maituloy ang sunod na sasabihin.

Yuan's jaw literally drop. Halatang di nito inaasahan ang lalabas sa bibig ng pinsan ko.

Lumuhod ako para magpantay kami ni Cheska.

"Balik tayo sa kwarto Cheska huh" tumayo ako at hinawakan ang maliit na kamay nito para igiya sa kwarto.

"Yuan yung sasabihin ko forget it. Di naman importante yun," pagkasabi ko no'y mabilis kong isinara ang pinto.

Cinderella and the Seven MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon