"Tara na Yuan, alas dose na. May pasok pa ako bukas." Thankfully ay nakaya kong akayin siya palabas ng bar.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Himala na nga ng makahanap agad ako ng taxing naghatid samin sa mansion.

Nang makapasok ay agad ko itong dinala sa kwarto niya. Maingat ko itong pinahiga sa kama. Sobrang basa ng damit namin kaya kailangan nyang magpalit agad. Baka lagnatin ito kinabukasan.

Paalis na ako para humingi ng tulong kay Finn nang hilahin nito ang kanang kamay ko.

"S-stay, please."

Masaya ako pero alam kung si Diane ang nasa isip niya. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Marahan kong inalis ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
"Hindi naman kita iiwan eh pero di ako ang kailangan mo Yuan."

Kumatok ako sa kwarto ni Finn. Makailang katok pa ang ginawa ko bago niya binuksan ang pinto. Tumambad sakin ang topless nyang katawan.

"Seren, bakit?"

"Ahm, a-ano s-si Yuan kasi lasing tapos basang-basa pwede bang ikaw mag-asikaso sa kanya?"  Kaka-distract ang abs kuya!

"Sure, no problem. Magpalit ka na rin ng damit baka magkasakit ka. Magpahinga ka na. Ako na ang bahala sa mokong na 'yon."

"Sige salamat." Tumalikod na ako para makapagpahinga na.

"Seren sandali."
Agad akong humarap sa kanya.

"Bakit?"

"Good night." Kumakamot ito sa ulo na halatang nahihiya. Napangiti ako.

"Good night din tsaka sorry sa abala." Tumango lang ito bago tinungo ang silid ni Yuan.

Dwight Vergara

Alasingko pa lang ay bumangon na ako para makaalis ng maaga. I need to be there in school, as early as possible para naman makabawi sa mga absences ko. Naku magbabagong-buhay na ako, baka maaga akong maging 'haligi ng tahanan' kung tototohanin ni Lolo ang banta nya samin.

Akalain n'yo ako ang una sa listahan. Gusto ko pang ma-enjoy ang kalayaan ko, yung tipong walang mala-Serenity na magbubunganga tuwing umaga.

I went downstair to eat my breakfast but I'm pretty disappointed when I found nothing but an empty table.
Bakit walang breakfast? Umalis na ba si Serenity? Gutom na talaga ako.

I went back upstair para i-check ang kwarto nya only to find her shivering.

"M-mama.." she's calling her mom countless times.

I immediately approach her. Sinapo ko ang noo nito baka nilalagnat.

F*ck! Ang taas ng lagnat niya.

"Seren,wake up." Mahina kong tinatapik ang magkabilang pisngi nya pero nantili syang nakapikit.

Nag panic na ako dahil dito.

Is she dying?

Nanginginig ang kamay na kinapa ko ang phone sa bulsa ng pants ko.

I dialed 911.

"Hello, yes. I need an ambulance in 2 minutes. No buts! I need it now."

Iniwan ko muna si Seren saglit para gisingin ang iba. Isa-isa kong kinatok ang mga kwarto nila.

"Guys wake up! Inaapoy ng lagnat si Seren! We need to rush her in the Hospital. Guys! gising na sabi eh!" tarantang sigaw ko.

Naunang lumabas si Zenon na naghihikab pa. "What's happening? May sunog ba?" ang mokong nag-uunat pa talaga sa harapan ko.

"Bingi ka ba? "

"Sorry na medyo bangag pa." Alam ko naman kahit hindi niya sabihin.

"Lagi ka namang wala sa sarili. Sabi ko nilalagnat si Seren." Napuno ng pag-aalala ang mukha nito dahil sa sinabi ko.

"What? Where is she? Okay na ba siya?"

"I'm waiting for the ambu— oh they're here."

Dahan dahan nilang inihiga sa stretcher si Seren at ipinasok sa sasakyan. Nagpaiwan si Zenon para siya na ang gumising sa hanggang ngayo'y walang kamalay-malay naming mga pinsan.

Babatukan ko talaga isa-isa pagkatapos itatago ko lahat ng under wear to get even. Mga walang kwenta eh!

Finn Vergara

Nang malaman naming isinugod ni Dwight si Seren sa ospital dahil sa lagnat, si Drake di na mapakali, halos lahat yata ng vase dito sa mansion basag dahil sa kanya.

Kung tinatanong nyo kung asan sya ngayon? Ayon papunta na sa ospital kahit di pa naliligo.

Now Seren is sick and It was Kuya Yuan's fault!

Kanina pa ako nagtitimpi sa taong yon, muntik ko na ngang sugurin kanina. Kung di ko lang naisip ang parusa ni Lolo baka binasag ko na ang mukha n'on.

Gagawa ng kalokohan, maglalasing ng hindi  pa kami kasama tapos mandadamay ng ibang tao.

Pababa na ako ng hagdan nang magkasalubong kami. He's in his usually poker face. Nagtagisan kami ng tingin pero sya ang unang nag-iwas at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ganyan ka na ba katigas kuya? Wala ka man lang bang balak mag-sorry sa kagagawan mo? Damn,  you're hopeless!"

He just ignored me.

Sa tingin ko'y parang wala lang sa kanya ang nangyari. Ibang-iba na talaga sya sa kuya Yuan na kilala ko. I guessed the kind and enthusiastic Yuan Vergara is dead.

Cinderella and the Seven MastersWhere stories live. Discover now