For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Book 2- VIII

189 1 0

Sophie

Nandito kami ngayon sa mall. Bonding time kasi off duty ang bida niyo. hehe. Kasama namin syempre ang mag-ina, si Keith ang butihin kong kabiyak, si Jasmine at si Harvey.

Maglalunch na kami dito sa isang fine dining restaurant na pagmamay-ari nila Keith. Masaya kaming nagkukwentuhan habang si Lei naman ay sobrang abala sa pamangkin ko.

She's really a hands on mother. Nakabawi na siya sa kanyang Love. Sana ganyan din ako kay baby Sandy. Hehe. I'm so excited to give birth and see this little angel.

On the other hand, naaawa talaga ako sa mag-ina. Yes they are happy being together pero paano kung magkaroon na ng isip si Robbie at hanapin ang kanyang ama? Nakakainis naman kasi ang tatay niya, iniwan ang nanay niya. Pero alam ko someday they will live together again.

"Hey Babe. You're not listening." bulong ni Keith sa akin. Hala! Masyado ata akong nagsspace out madalas kasi naman sa tuwing nakikita ko ang mag-ina hindi ko maiwasang matuwa at the same time maawa.

"Sorry. Ano nga iyon?" i smiled back to my husband. Wah! Bakit ang gwapo ng asawa ko?

"Ang sabi ko pagplanuhan na natin ang birthday ng kapatid mo." Napahawak ako sa bibig ko ng ipaalala niya ang birthday ni Lei. Hala! Oo nga no. Kaya pala kami lumabas na rin para pagplanuhan iyon.

"Goodness! I almost forgot Babe. Anyways, why don't we surprise her? Feeling ko hindi na rin niya maalala e. She'll be busy narin." i thought of surprising her na lang. Since pagbalik nila rito from Palawan ay birthday na niya.

Hmmmm. Parang masayang icelebrate ang birthday niya sa beach.

*Ting*

Wahh! Alam ko na.. Hehehe...

"May naisip na ako Babe." i looked at my husband and winked. Hehe. Eh? Bakit nagblush ang loko? Hahah. Cute.

Jesse

Kanina pa ang mag-asawa na nagbubulungan. Yung dalawang bestfriends ko naman ay busy kumakain. Ako?

Hayy. Heto at pinapakain si Love. Hahha. Nakakapagod nga dahil ang likot pero okay lang masaya naman.

"Love. Last na lang ito o. Aaaaa!" sabi ko kay love para isubo yung huling food na kakainin niya. He's been looking to somewhere e. Ewan ko ba kung sino. Wala naman akong mamukhaan sa paligid na kakilala ko.

Bigla naman akong kinabahan. What if nandito si Rob? Hindi pa ako ready to tell him the truth about our child. Hindi pa talaga.

Natapos na kaming kumain at kasalukuyan kaming napadaan sa music store ng mall.

Napahinto ako dahil hindi na sumusunod ang anak ko sa akin. Nakakapagtaka naman kaya ng tingnan ko si Love ay nakatingin siya sa gitara.

Kita ko sa mga mata at ngiti niya na gusto niya yung gitara na nasa harapan niya.

Tumingin sa akin si Love at tinuro niya yung bagay.

may naalala nanaman ako. Ang kanyang ama. Wala ng iba. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!