Sino kaya yung dumating? Hayyy. Makapag-ayos na nga lang. Ay teka! Tatawagan ko muna ang pinakamamahal kong mahal sa buhay. Hala! Ano raw? Ahahaha..

Tinawagan ko na ang taong iyon. For sure kagigising lang nun. Namimiss ko na si LOVE.

Ang tagal ko na rin siyang hindi nakakasama. Miss na miss ko na siya.

Ayun buti may sumagot.

"Good morning. Gising na po ba si Robbie?" magiliw kong tanong. Halos mapunit na ang aking labi sa sobrang kasiyahan dahil makakausap ko nanaman siya.

"Hi LOVE. Kumusta kana? Miss na miss na kita.." hindi ko mapigilang mapahikbi dahil sa sobrang miss na miss ko na siya.

Sana nandun din ako. Para mayakap ko siya. Wahhh.. 

"Malapit na akong dumalaw diyan. Hayaan mo ikikiss kita at yayakapin ng mahigpit kapag dating ko. I love you LOVE!!!" mukha akong timang dahil sa ginagawa ko. niyayakap mag-isa ang sarili.

"Pakabait ka diyan a. I love you. Mhuahh. Byebye Love.." ibinaba ko na ang telepono. Hayy. Gusto ko na umuwi sa amin. Gusto ko na siya makita. Pero hindi pa pwede. Kailangan ko pang magtrabaho para sa kanya. at hindi pa ako handa

Mahal na mahal ko siya. Kaya kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat para kay Robbie..

"Patawarin ako ng Diyos. Jusko! Bakit hindi ka pa nagaayos Jesse?" isang malakas na pagsasaway sa akin ni Aling Rosana.

"Ahehehe. Sorry po. Tumawag muna ako Robbie. Miss na miss ko na siya e." medyo nalungkot ang mukha ko.

Si Aling Rosana naman huminga ng malalim bago magsalita.

"O sha! Nandyan na ang sundo mo. Ang sabi niya sa labas na raw kayo magbreakfast. Hala sige.. Maggayak ka na." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Sundo ko? Kelan pa ako nagkaroon ng sundo?

"Teka po. Sundo?! Sino po yun?" takang tanong ko sa kanya.

"Hay nako. Mamaya mo na alamin. Magayos kana muna at ako na bahala sa kanya." tinulak niya ako papasok sa banyo kaya wala na akong nagawa.

Habang nagbibihis, napapaisip ako kung sino ang magsusundo sa akin. Wala namang sinabi si Harvey na susunduin niya ako. Pati si Jasmine wala naman. dahil sobrang layo ko sa kanila. E sino iyon?

Tumingin muna ako sa salamin upang tignan ang kabuoang ayos ko. Ang ganda talaga ng kulay puting uniform. Ngumiti muna ako sa salamin at huminga ng malalim bago ako lumabas ng kwarto ko.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon