Book 2- I

278 5 1

OLah!!! wahh! I can't believe i finished the book 1. Sana subaybayan niyo parin ang RobSee sa huli.. :) Thanks.

Now, here's the Chapter 1 of Book 2.

I

Jesse

Sunod-sunod na malakas na pagkatok ni Aling Rosana at ang kanyang nakakatakot na mukha ang bumabalandra sa aking panaginip.  Hanubayun. Pati sa panaginip ba naman?

*Tok!! Tok!! Tok!!*

Pilit kong pinalalayas si Aling Rosana sa aking panaginip pero hindi pa rin siya natitinag. Tinde naman neto. Hmmmmp..

"Hoy Jesse!!! Bumangon ka na dyan.. Malelate ka na sa duty mo! Ikaw na bata ka kapag di ka pa bumangon diyan sisirain ko na 'tong pinto...!!" Omo! Bakit parang naririnig ko na si Aling Rosana sa labas ng kwarto? Nagiging live na ba ang panaginip? Weird!!

"ISA!!!" malakas na sigaw niya. Malapit na maputulan ng ugat sa leeg.

Lalong lumalakas ang kalampog sa pinto at unti-unti ko na nararamdaman ang kapaligiran.

"DALAWA!! Isa Jesse! Hay nako.. Kay hirap mo talagang gisingin. Magbabayad ka pa ng renta dito sa bahay ko. dodoblehin ko pa yan sige ka!" pagbabanta ng matanda..

Napilitan na akong bumangon dahil alam kong hindi na ako nananaginip.

Tamad na tamad akong nagbukas ng pinto.

"Good morning sa Maganda kong Kasera. Aling Rosana...!!" masaya kong bati sa kanya.

Si Aling Rosana ang isa sa malapit na kaibigan ni Mama na nagtatrabaho rin sa ospital. Siya ang nag-alaga sa akin halos magdadalawang taon na ang nakalipas.

Hindi ako inimik ng matanda bagkus kinurot pa ang aking tagiliran.

"Wahh! Tama na Aling Rosana. Masakit"pagpapatigil ko sa kanya. Pero bago niya ako tigilan aba'y binigyan pa ako ng huling masakit na kurot.

Huhu! Ang Sakit...

"Hayy nako bata ka! O sha! Magayos kana para sa pagpasok. Tignan mo ang ayos mo para kang walang-----" hindi na niya tinuloy ang kanyang pagsasalita ng may marinig kaming malaks na busina sa labas ng pamamahay niya.

Parehas kaming nagkatinginan ni Aling Rosana.

Sino kaya iyon?

"Ako na ang magtitingin sa labas. Mag-ayos ka na." umalis na si Aling Rosana at iniwan na ako mag-isa.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!