Ika-59 na Kabanata

Start from the beginning
                                    

Ilang beses na akong nasaktan sa parehas na pagkakataon pero ito ang pinakamasakit....

Harap harapan ka pa ring sinasabihan ng kasinungalingan.!

Hindi na ako maaawa sa mga titig at nararamdaman niya dahil natabunan na iyon ng galit at sakit.

Ano bang ginawa ko at patuloy akong pinapahirapan?

"R-rob.!" isang salita niya lang naiirita na ako. Ganito ba talaga kapag kinamumuhian mo na?

"Nasasaktan na ako.." and there  tears released from her eye.

Doon ko na lamang napansin na halos masugat na ang kanyang braso sa higpit ng hawak ko. I released her.

"Please Rob. Bukas na lang natin ito pagusapan? Magpahinga ka na. Pupuntahan ko na si Mama sa hospital." tila nahihirapan niyang sabihin.

Binigyan ko lang siya ng smirk.

"Ahhh. Ang iyong Mama? Siguro malapit na siyang kunin no? Mga sabik sa pera. Mga manggagamit.. Sana kunin na rin ang Tatay mo. Para mawala na kayo sa buhay ng pamilya k--" isang sampal ang natanggap ko sa kanya.

Napahawak ako sa pisngi na napinsala dahil sa malakas na sampal niya.

"Wala kang karapatan para sabihin yan!!! HINDI GANYAN ANG PAMILYA KO.!! BAWIIN MO LAHAT NG SINABI MO!!" kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Bakit totoo naman diba? Kaya ka nagpakasal sa akin dahil lang sa PERA NAMIN! Diba?! Mga sabik sa pera. Manggamit!! ALAM MONG GINAMIT KA NILA PARA SA PERA. ISA KA LANG PALANG BAYARIN.." isang sampal nanaman ang natanggap ko mula sa Kanya.

Goodness! Nakakadalawa na siya.

"WALA KANG KARAPATAN NA PAGSABIHAN SILA NG GANYAN.! KUNG GALIT KA SA AKIN, AKO ANG PAGSABIHAN MO NG MASAMA HINDI ANG MAGULANG O ANG PAMILYA KO..." huminga siya ng malalim dahil hirap na hirap siya.

"Ako ang husgahan mo, wag Sila. Wala silang kinalaman sa nangyari one week ago. Kaya please, wag mo silang idamay." umiiyak niyang sabi.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga pinagsasasabi ko pero yun ay dahil sa napagkaalaman ko.

"Before I go, Please. bukas na natin ito ipagpatuloy. Magpahinga ka na. I don't sorry for what I've done to you a while ago na pagsampal. But I want you to know how much I'm sorry kung sa tingin mong masama ako. Ako na ang malandi. Nakikipagtalik sa rapist. Mukhang pera.!" mahina niyang sabi.

"But don't you ever hurt my feelings regarding my family. Husgahan mo ako wag na sila. Tandaan mo Rob. Ikaw lang ang minahal ko. Wala ng iba. K-kahit kamuhian mo ako Mahal pa rin kita. At sana bukas, sana bukas, buksan mo ang puso mo at isipan mo. Aalis na ako." tumalikod na siya.

Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa pag-ibig na sinasabi niya.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa Jesse. Tapos na lahat. Dahil tinapos mo na lahat ng pagtitiwala at pagmamahal ko para sa iyo. Damn! Bakit pa kasi sinalo kita. Ako lang din ang nasaktan. Hayaan mo. Magsama kayo ng rapist mo. Parehas kayong mga baboy." pipihitin na niya ang doorknob kaya hinabol ko ang sasabihin ko para marinig niya.

Napagpasyahan ko na.

"Don't look for me anymore. Don't you dare call me and see me because I won't be there for you. Hihiwalayan na kita. Wala ka nang aasahan sa akin.. Paalam Jesse.." tumalikod na rin ako at pumunta sa walk in closet ko.

"Whatever it takes Rob. Mamahalin pa rin kita. Babalik ako rito bukas. Maguusap pa tayo bukas. Aayusin natin into Rob. Sana paniwalaan mo ako. Wala akong ginawang masama. I-i love you Rob."

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now