Ika-57 na Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Hubby, makaka-attend ka ba sa graduation ko? Sana maka-attend ka. Hihintayin kita hanggang sa celebration a. I love you. Ingat ka.

Message sent. Ewan ko ba, parang may nararamdaman akong kakaiba. Pero sana wala naman ito.

***

"Congratulations Graduates.!!" isang masigabong palakpakan at hiyawan ang maririnig mo sa buong PICC.

Wahh! Graduate na ako. Maraming salamat sa Diyos.

"Congrats satin Jesse.!! Yiee." masayang pagbati ni Mich sa akin.

"Congratulations mga babaita!!!" tuwang-tuwa na sabi ni Ruffy na sinasabayan pa niya ng palo.

"Aray naman Maru!!!" saway ni Mich sa kanya. Nagyakapan naman kaming tatlo.

Hindi na pala nakapunta si Denise sa graduation namin dahil may aasikasuhin daw siya na importante. Malapit na rin kasi yung pagmigrate nila sa US.

Kaya kaming tatlo na lang ang naiwan. Nakakatuwa at tatalon-talon pa kaming tatlo hanggang sa makarinig kami ng isang malakas na sigaw kaya kami ay napatigil.

"Boo!!!!!"

Ahh. Si Jasmine pala.

"Wahh! Boo! Graduate na tayo. Ang bilis ng panahon. Congratulations!!!!" nagtatatalon din ang isang to. Grabe lang.

"Oo nga Boo. Congratulations din!!" pabalik na bati ko at niyakap siya.

Napakasaya ng mga oras na ito. Bago kami umalis ay pinakilala ko muna si Boo kila Maru at Michelle.

"Tara Boo, hinhintay na tayo nila Papa at Tito sa labas." sabi ni Jasmine habang ako ay hinihila.

Nagpaalam na ako sa dalawa kong kaibigan. Magttext-text na lang daw kami.

Baglabas namin ay sinalubong agad kami nila Mama, Papa, Kuya Kiel, Ate Sophie, Syempre pati si Kuya Keith. Nandito rin ang family ni Boo pati ang buong pamilya ng Araneta.

inikot ko pa ang aking mata at hinanap si Rob pero wala ni anino akong nakita.

Hindi siya dumating.

Parang dinaanan ng bagyo ang buong mukha ko. Nasaan na kaya siya?

"Congratulations Hija." masayang bati ng Mommy ni Rob. Ganun din si Daddy.

"Thank you po Mommy, Daddy." ngumiti na lang ako ng pilit. Nakakahiya naman kung hindi ako tumugon diba?

Nilapitan narin ako nila Ate.

"Wahh. Lei! Congrats. I love you." sabi niya sa akin sabay kiss sa cheeks.

"Congrats Sister in law." sabi ni Kuya Keith tas may kindat-kindat pang nalalaman. Pinalo ko tuloy siya. Kaloko.

"Hey Babygirl. Congratulations." si Kuya Kiel tapos niyakap niya rin ako.

"Thank you mga kuyas and Ate." medyo naiiyak na sabi ko. Natatouch ako sa kanila.

Ginulo naman ni Kuya Kiel ang buhok ko. Grabe ang sama niya talaga. Pero namiss ko iyon. Lagi niya kasing ginagawa yun sa akin before nung nasa bahay pa ako. Mukha ba akong aso? Tsk.

Nagpout na lang ako. Tas siya naman pinisil ang dalawang pisngi ko. Grabe naman talaga.

"Anak!" Si Mama at Papa. bakas sa kanila ang pagkasabik at kasiyahan sa kanilang mga mukha.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon