Sa kabilang banda naman, nakaabot na sila Lee at Jay sa 6th Mortal Realm nang makaramdam ng kakaibang awra na biglang pumutok sa lugar. Sabay silang napagukas ang mga mata sa naramdaman.

Gumuhit ang ngiti sa kanilang mga mukha nang maramdaman ang awra na iyon. Bumalik sila muli sa pagc- cultivate para maabutan ang lalaking kanilang iniidolo.

Nang maramdaman naman ito ng iba, hindi dila makapaniwala sa naramdaman. Kumpara sa normal na Cultivator, napakabilis ng progreso ni Kid kung kaya't isa lang ang lumabas sa kanilang mga bibing.

"Halimaw talaga si Kid!" Anila.

Humarap si Master Val kay Kid at binigyan na ng mga kailangna niyang gawin. "Ganito ang gagawin natin. Makinig kang mabuti Kid. Kailangan mo akong labanan hanggang sa wala ka nang maiilabas na lakas. Sa kabilang banda, kailangan namang iwasan ni Sky ang mga atake ko hanggang sa wala narin siyang lakas. Pagkatapos nyong ilabas ang inyong buong lakas, magme meditate ka sa malaking palangganang iyon." Sabi ni Master Val at sabay turo sa isang malaking palanggana na umuusok pa ang laman nito.

Ang gagawin ni Master Val sa dalawa ay ubusin ang buong lakas ng dalawa para mapalakas ang kanilang katawan. Ang palanggana kasing iyon ay may laman na isang uri ng gamot na ginawa ni Master Val para mapatibay at mapalakas ang isang katawan. Masakit nga lang ito dahil pwersahan itong papasok sa mga pagod na laman at mga buto ni Kid at Sky. Magsisilbi iyon bilang isang Mending Pool ni Kid.

May takot man at alangan sa isipan ni Kid, alam naman niyang para sa kanya ang ginagawa ng kanyang master. At isa pa ay imposibleng masugatan man lang niya si Master Val dahil masyadong malayo ang kanilang mga lakas.

"Masusunod po. Master Val." Aniya at pumwesto na sa pag atake. Nasa tabi naman niya si Sky na naintindihan ang sinabi ni Master Val at naghanda narin ng sarili.

Dumaan ang isang oras at sa boung oras na iyon, maririnig lang ang malakas na sigaw ni Kid sa sakit at pagod na kanyang nararamdaman.

*Aaaarrgghh!!

Mas tumindi ang sigaw niya nang makalusong na siya sa Mending Pool na ginawa ni Master Val. "Mag cultivate ka at pakiramdaman mo ang mga sari saring gamot sa Mending Pool na iyan. Kailangan mong makuha ang lahat ng laman niyan at ilabas ang mga maduduming bagay sa iyong katawan." Sabi ni Master Val.

Katabi ni Kid si Sky na lumalabas ang matatalas na pangil sa sakit na nararamdaman. Nakapwesto naman si Kid gitna ng Mending Pool at nakapwesto. Unti unti niyang nararamdaman ang pagpasok ng mainit init na tubig sa kanyang katawan na nagdulot ng pagsigaw niya.

*Wwwaaaahhh!!

*Uuurrrgghh!!

Habang lumilipas ang mga araw, mapapansin na ang kaninang mainit at malinis na Mending Pool at napalitan ng maitim at malapot na tubig. Ang itim na ito ay ang mga maduduming bagay sa loob ng katawan ni Kid. Ang ibang tawag doon ay 'impurities' sa kanyang katawan at sa kanyang cultivation.

Nang matapos ay idinilat na ni Kid ang kanyang mga mata at nakita ang malagkit na bagay na iyon.

"Wah! Ano ito!?" Sigaw niya.

Kasalukuyan namang nagtatanim si Master Val nang marinig si Kid. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at lumapit kay Kid.

"Aba, natapos ka na pala. Mas mabilis sa inaasahan ko." Aniya. "Ang itim na malagkit na bagay na iyan ang lahat ng mga mali at maduming mga bagay sa iyong katawan." Sagot ni Master Val sa tanong ni Kid.

"Osya, tunayo ka na diyan at magpapatuloy ang ating pagsasanay." Aniya. Tumayo si Kid sa palanggana at umalis doon. Kasam niya si Sky na nagpagpag pa ng kanyang balahibo na nagpatalsik ng mga dumikit na maiitim na bagay sa kanya.

SpiritsWhere stories live. Discover now