Sila ang isang uri ng Goblin na may malaking pangangatawan at matatabang mga tiyan. Iba ang kulay nila kumpara sa mga goblin dahil kulay abo ang kanilang mga balat. May mga hawak silang mga pamalong gawa sa kahoy. May mga pangil rin silang matatalas.

Unti unti nilang pinuwersa ang kanilang mga sarili na makapasok sa loob ng barrier ngunit kahit anong gawin nila, parehas lang ang nanging kinahantungan nila.

May mangilan ngilang mga Ogre na nakapasok sa loob pero agad na naagapan ito ng mga Cultivator.

Ngunit nang dumating na ang kanilang kinakatakutan, para bang nakaramdam ng takot ang lahat. Naglalabas ito ng madilim at mabigat na awra na nagpahirap magpahinga sa mga tao. Ang iba ay nanginig s takot nang nasaksihan ang Goblin King.

Mala-tao ang porma nito. May malalaking katawan at may suot pang korona at armor. May parusok itong mga tenga at may matutulis na ngipin pero ang kakaiba sa Goblin King na ito ay may hawak siyang espada.

At batay sa mga kilos nito, marunong siyang gumamit ng armas at ng espada.

Natakot ang lahat sa nasaksihan. Pero hindi si Joshua. Nang masira ng Goblin King ang barrier at pumasok na ang mga halimaw na ito, sumugod na ang mga Official Guards ng bawat bayan para protektahan ang buong lupain.

Nakakatakot ang araw na iyon. Puno ng mga dugo at mga malalamig na bangkay ng mga tao at goblin. Sa huli ay nakatamo ng matinding sugat ang Goblin King na nagpahina sa kanya pero sa lagay na iyon, wala naring lakas si Joshua para makipagpalitan ng lakas sa Goblin King.

Ang labanan ng mga tao at Goblin na umabot sa tatlong sunod sunod na buong araw ay nauwi na tagumpay ng mga tao. Umatras ang Goblin King sa laban nila ni Joshua dahil sa mga pinsalang kanyang natamo.

Libo libong mga bangkay ng mga Goblin ang nakakalat sa buong lugar at wala silang paglilibingan ng mga ito. Nakaisip si Joshua ng isang paraan para mawala ang mga katawang iyon. Kinuha niya ang space ring na tinatago niya mula sa iba dahil isa itong napakamahalagang bagay.

Wala pang laman ang storage ring na iyon at nanghihinayang si Joshua na gamitin ang Storage Ring na yon dahil hindi wala naman siyang makukuhang pakinabang sa mga katawan ng mga maduduming Goblins na iyon.

Nakita nalang ng mga tao na wala na ang mga karawan ng mga goblin pati na ang mga labi ng mga Cultivators. Alam naman ni Meng Gao ang nangyari. Alam niya ang ginawa ni Joshua kung kaya't nang nagkaroon na siya ng kapangyarihan at naging isang High Priest, bago umalis si Joshua palabas ng Eye of Hamlet, pinatuloy niya ito sa Beast Hall.

Niyaya niyang pumasok si Joshua papunta sa litratong may magandang lupain. Pagpasok nila, pumunta sila sa punakadulo at pinakamalayong parte ng lupain.

"Ground Break Collision!"

Nang sinuntok ni Priest Meng ang lupang kanyang tinatapkan at biglang gumalaw ang lupa. Umangat ang isang buong tipag ng lupa sa kalangitan.

At dahil sa nangyaring iyon nabuo na ang maliit na isla sa loob ng singsing. Kung kaya't ganoon ang nangyari sa loob ng singsing. Ang nararamdaman ni Master Val ay ang reaksyon ng lupang kanyang tinatapakan.

"Ang singsing na iyan ay galing sa akin." Sabi ni Priest Meng.

Hindi makapaniwala sa narinig si Kid. "S-sa inyo po ito galing?!" Simpleng tango lang ang isinagot ni Priest Meng.

"Sumama ka sa akin." Aniya kay Kid. Naglakad silang dalawa sa isang malayong parte ng lupaing iyon. Habang naglalakbay papunta sa malayong parte ng lupaing iyon, naikwento ni Priest Meng ang kanyang mga karanasan kasama ang ama ni Kid.

Makikita ang saya at pagkamangha ni Priest Meng sa kanyang mukha at sa tono ng kanyang boses ang makilala ang ama ni Kid. Malaki na naiambag ni Joshua sa nakaraang paglalabanan ng dalawang nasyon.

SpiritsWhere stories live. Discover now