Pero dahil sa ang kanyang gamit na armas ngayon ay kanyang armas na nakatakda para sa kanya, unti unting lumalabas ang potensyal ng Bemeroth sa kanyang katawan. Isa sa mga ito ang maglabas ng nakakatakot na awra.

Unti unti naring maramdaman ng mga manonood ang awrang inilalabas ni Kid. Bumibigat ang kanilang pakiramdam na para bang may dumadagan sa kanila. Unti unti narin silang nahihirapan sa paghinga dahil bumibigat ang hanging kanilang hinihinga.

Unti unti ring nawawala ang tawa sa mukha ni Jay at unti unting sumeryoso ang kanyang mukha. Kahit na sa tagal ng kanyang pagsasanay at pagmamahal sa espada, hindi pa niya nakakamit ang ni- katiting na sword intent. Kung kaya't mang maramdaman niya ang ganitong awra, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at biglang kinabahan.

"Anong nangyayari?" Aniya. Hindi niya alam ang nangyayari ngunit para bang bumibigat ang hangin na kanyang milalanghap at ang kanyang katawan ay para bang hinihila pababa ng kung anong pwersa.

Biglang sumugod si Kid kay Jay. Nagulat si Jay sa nasaksihan at nataranta. Hindi niya alam ang gagawin.

"8 Starlight Slash!" Sigaw niya. Namuo ang walong mala- bituin na mga matatalas na hangin sa himpapawid. Lumaki naman ang mga mata ni Kid nang makita ito. Pero hindi parin siya tumigil sa pagsugod kay Jay. Hinarap niya ang mga matutulis na hangin at sinalag ito gamit ang kanyang suot na Gauntlet.

*Shlingg!!

*Clangg!!

*Zhinngg!!

Hindi mang masyadon natablan si Kid,  may mga sugat parin siya sa kanyang braso at balikat. Maliliit lang naman ito at mabababaw. Huminto siya sa pagsugod at tinignan nag mga sugat na ito.

Ngumiti ito ng nakakatakot at tumingin kay Jay. Sumugod itong muli at umatake na.

"Calamity Punch!" Sigaw ni Kid.

Wala nang nagawa si Jay kundi isalag ang kanyang hawak na espada sa ginawang atake ni Kid.

*JHIINNNGGGG!!

Naramdaman ni Jay ang panginginig ng kanyang espada nang magtama ang hawak niya sa Gauntlet na suot ni Kid.

"Uurrrgghh!" Sabi niya at naramdaman niya na may tumutulong mainit na dugo sa kanyang bibig. Hindi na niya napigilan ang atake ni Kid at tumalsik ang kanyang hawak na espada.

Pagtalsik nito, naramdaman ni Jay ang pwersang inilabas ni Kid sa kangyang kamao. Masyado itong malakas kung kaya't hindi niya napigilan ang panginginig ng kanyang kamay. Parang nawalan din ng lakas ang kanyang tuhod at napaluhod nalang ito sa kanyang pwesto. Tumulo dugo na nasa kanyang labi papunta sa entablado.

"Ha! Ha! Ha! .." hingal na sabi niya. Pinilit niyang tumayo at ibalanse ang kanyang sarili.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang naranasan. Maski ang mga manonood ay hindi rin makapaniwala sa nasaksihan. Ang kaninang pinagtatawanan, ipinakita nanaman ang totoo niyang lakas sa lahat.

Ibinura ni Jay ang dugo na nasa kanyang bibig. Humarap ito kay Kid na may galit at takot sa mga mata. Sa kanyang buong buhay, wala pang nakakagawa ng ganito sa kanya. Bilang isang anak ng kilalang Official Guard sa Central City, hindi siya nakaranas ng ganitong pagpapahiya sa kanyang buong buhay.

Nag iisang anak siya ng mag asawa kung kaya't halos lahat ng kanyang gusto ay nakukuha niya. Ang espadang kanyang gamit kanina ay ibinigay pa sa kanya ng kanyang ama noong kanyang kaarawan.

"Hindi ka pa ba susuko?" Tanong ni Kid sa kanyang kaharap. Nakikita na ni Kid ang sakit na nararamdaman ni Jay ngunit hindi niya kayang tumungan ito hanggat hindi pa natatapos ang labanan nilang dalawa.

SpiritsWhere stories live. Discover now