CHAPTER 10:TELLING REYDEN THE TRUTH

Start from the beginning
                                    

Akala ko okay ang lahat nang alukin at salinan niya ng wine ang aking baso. Siya ang bumasag ng katahimikan.

Pinansin niya ang kwintas na suot ko. Napakasarcastic ng tono ng kanyang boses na parang gusto niyang ipamukha sa akin na sinungaling ako. Alam kong hindi maganda ang una naming pagkikita pero bakit pakiramdam ko asar na asar siya sa akin.

Pinagbigyan ko ang pang-iinis niya pero hindi ko na kinaya nang sabihin niyang tinapon niya ang kwintas na ibinigay niya kay Nina dahil wala na itong silbi para sa kanya.

Lalong kumulo ang dugo ko nang sabihin niya ang dahilan kung bakit niya tinapon ang kwintas.

Kapag hindi ako umalis ay baka hindi ko mapigilan ang inis at galit na aking nadarama. Sobrang nasasaktan at pinipiga ang puso ko. Serysoso ba siya sa sinabi niya? Seryoso ba siya na ayaw na niya akong maalala?

Nakayuko akong tumayo. "Excuse me, I need to go outside." Mahina kong paalam sa kanya. Ayokong makita niya ang madilim at nanggagalaiti kong mukha.

Mabilis akong lumabas ng bahay at nagtungo sa garden. Nakakuyom ang aking mga kamao. Naiinis ako, nagagalit ako, nasasaktan ako! Pakiramdam ko pinupunit ang puso ko! Paano niya nagawang itapon ang kwintas? Alam niyang mahalaga ang kwintas na iyon para sa akin!

Padabog akong naglakad ng pabalik-balik habang sinasabunutan ang maikli kong buhok. Kunsumidong kunsumido ako.

Naudlot ang plano kong sabihin sa kanya na ako si Nina. Sa lahat ng scenario na naisip ko kanina, ito ang hindi ko napaghandaan.

"Nina!" Pahangos na tawag ni Ethan habang papalapit sa akin.

Humarap ako sa kanya. "Why did you lie! Why didn't you tell me na tinapon ni Reyden yung kwintas!" Galit kong sigaw sa kanya.

Nakita kong napamulagat siya. Halatang halatang hindi niya inaasahan na malalaman ko rin ang tunay na dahilan kung paano niya nakuha ang kwintas na nasa loob ng ibinigay niyang locket.

Napahawak siya sa kanyang noo. "Nina. You need to understand, nagawa niya lang 'yon dahil bigla kang nawala sa katawan ni Celine. He is actually desperate right now, kaya mo nga sasabihin ang totoo sa kanya, di ba?" Mahinahong sagot ni Ethan na halatang pinipigil ang pagtaas ng kanyang boses.

"That's not my point Ethan, kahit naman siguro gaano ka nasasaktan hindi mo magagawang basta na lang itapon ang isang bagay na alam mong mahalaga para sa babaeng minamahal mo. It only means na hindi naman talaga ako ang gusto ni Reyden. All along si Celine lang naman talaga ang gusto niya!" Sigaw ko.

Hindi ko na nakayanang pigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Nag-uunahang dumaloy sa aking mga pisngi ang mga luha. Sumisinghap akong napahawak sa aking noo.

"Nina, you're not getting this. Reyden is just confused! Better tell him the truth para malaman mo kung ano talaga ang nararamdaman niya para sa'yo!" Giit ni Ethan.

"No, I won't! Kung balewala sa kanya ang lahat-lahat, kung wala lang pala sa kanya si Nina, so be it!" Mariin kong sabi sa gitna ng aking pag-iyak.

"Nina-"

Hindi ko na hinayaang makapagsalita pa si Ethan. Nagwalk-out ako.

Paakyat na ako papuntang kwarto nang magkasalubong kami ni Reyden. Napatingin lang siya sa akin na parang walang pakialam kahit nakita niya akong umiiyak.

Narinig ko si Ethan na nakasunod sa akin. Hinarang siya ni Reyden.

"Hey Ethan, you should not let a woman cry." Sita niya.

Lalo akong napatiim-bagang. Better tell that sa sarili niya!

Tuloy-tuloy akong umakyat. Bago ko pa tuluyang maisara ang pinto ng kwarto ay nagpumilit pumasok si Ethan.

"Nina! I'm sorry kung nagsinungaling ako pero hindi kita titigilan hanggat hindi mo sinasabi kay Reyden." Mariin niyang sabi.

"Ethan, bakit ba ang kulit mo?" Kunsumido kong tanong.

"Nina, you need someone to protect you! I cannot be with you all the time. Ate Bel cannot fight for you kapag may magtangka sa'yo ng masama. Hindi natin alam kung anong problema ng babaeng sinapian mo ngayon. You need Reyden para kung sakaling mawala ako ay may tutulong pa rin sa'yo." Desperado niyang sabi.

Napakunot ang aking noo.

"Ethan, what are you talking about? Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?" Nagtataka kong tanong.

Natigilan siya. Napahawak siya sa kanyang ulo.

"Just, just... Damn it Nina!" Napipikon niyang sagot sabay labas ng kwarto.

Anong nangyayari kay Ethan? Parang merong bumabagabag sa kanyang kalooban.

"Ethan!" Habol ko sa kanya.

Sinundan ko siya pababa. Muli naming nadaanan si Reyden na takang-taka kung ano ang nangyayari sa aming dalawa.

Hindi ako pinansin ni Ethan at tuloy-tuloy siyang lumabas ng bahay.

--------to be continued--------

Congratulations dahil more than 1k na ang reads ng I Am Nina: Saving Lives!!!

Magagawa pa kayang sabihin ni Nina ang tunay niyang pagkatao kay Reyden, abangan bukas. (Parang teleserye lang, hehehe. Pagbigyan si Author, happy ako ngayon dahil sa mga active and silent readers😊). 

Luv u all guys!!!

I AM NINA: Saving LivesWhere stories live. Discover now