CHAPTER 10:TELLING REYDEN THE TRUTH

Start from the beginning
                                    

"You want more?" Alok ko sa kanya.

Ngumiti siya at iniabot ang hawak niyang wine glass. Sinalinan ko ito at muling ibinalik sa kanya. Pagkaabot niya sa baso ay napansin ko ang makinang na gold necklace na nakasabit sa kanyang leeg.

"Mukang may bago kang kwintas." Nakangisi kong sabi.

Napatingin siya sa akin sabay hawak sa kanyang kwintas. "Ethan gave it to me."

"Are you sure? Baka naman napulot mo lang 'yan kung saan." Sarkastik kong sabi.

Hindi ko maintindihan pero kakaiba talaga ang nararamdaman ko sa babaeng ito. Hindi mapalagay ang loob ko sa kanya. Something is really weird about her!

Napansin kong napangisi siya. "Nasaan pala yung kwintas na kinuha mo sa akin?" Naaasar niyang tanong.

Mas magandang maasar siya. Ayokong makipagkaibigan sa kanya. "Hanggang ngayon ba naman feeling mo kinuha ko yung kwintas sa'yo? In the first place, it's not even yours." Iwas ko sa tanong niya.

Tinitigan niya ako. Napalunok ako pero hindi ko pinahalatang may kakaiba akong nararamdaman sa mga titig niya. Bakit ba ganyan siya makatitig?

Bumuntong-hininga siya. "I'm just asking kung nasaan yung kwintas." Marahan niyang sabi.

Nginisian ko siya. "I threw it away!" Pang-aasar kong sagot.

Bigla siyang sumimangot. "Why?" Tanong niya.

Halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ko. Pakialam niya ba kung anong ginawa ko sa kwintas?

"I don't keep things na walang silbi." Patuloy kong pang-iinis sa kanya.

Hindi totoo ang sinabi ko. Ang totoo ay mahalaga sa akin ang kwintas na iyon pero dahil ang babaeng ito na ubod ng sinungaling ang kaharap ko ay hindi ko mapigilang maging sarcastic

"Anong ibig mong sabihin sa walang silbi?" Seryoso niyang tanong.

"Huh, why do you care?" Antipatiko kong sagot.

"Just answer." Seryoso niyang sabi.

Napalunok ako. Bakit parang may mangyayaring masama sa akin kapag hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Dahil ayoko nang maalala ang babaeng nagmamay-ari ng kwintas na 'yon!" Seryoso kong sagot.

Napayuko siya at biglang tumayo. Mukhang nabadtrip siya sa sagot ko. Anong problema niya?

------------------------------------------

Nina

Dahil sa nangyari kagabi ay napagpasyahan kong ituloy na ang pag-amin kay Reyden na ako si Nina. Tinawagan siya ni Ethan para yayaing maglunch dito sa bahay nila para magkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap.

Sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko habang iniisip kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat.

Lahat na yata ng eksenang pwedeng mangyari ay naisip ko na. Pinaghandaan ko na kung ano ang pwede niyang maging reaksyon. Handa na akong tanggapin kung hindi niya ako paniwalaan, handa na rin ako kung sakaling magalit siya.

Ipinagdarasal ko na lamang na sana ay maging maayos ang lahat.

Dumating sa bahay si Reyden. Hindi niya ako pinansin nang magsalubong ang aming mga mata; as expected.

Dumating ang sandaling pinakahihintay ko, iniwan kaming dalawa nila Ate Bel, Ethan, at Jenny. Nanginginig ang mga tuhod ko habang magkaharap kami sa hapag. Ang mga iniisip kong script kanina ay naglahong parang bula. Hindi ko makapa ang mga salitang dapat kong bigkasin.

I AM NINA: Saving LivesWhere stories live. Discover now