Malalaki naman ang mga mata ng mga manonood. Hindi sila makapaniwala sa natunghayan dahil sa dalawang beses na lumaban si Kid, isang atake lang mula sa kanya ay kaawa awa na ang naging kalagayan ng lahat ng kanyang mga nakalaban.

Napansin ito ni Monet at nakuha ang atensyon nito. Siya na ang susunod na makakalaban ni Kid kung kaya't tumayo ito. Pero hindi siya dumiretso sa entablado. Nakatayo lang ito at itinaas ang kamay. Napatingin naman sa kanya ang dalawang Priest at ang mga manonood.

"Sumusuko na ako." Aniya at umupo muli sa kinauupuan. Nagdulot naman ito ng kumusyon sa mga manonood.

"Ha?! Sumuko na siya?"

"Hindi pa naman niya nilalabanan si Kid ah! Kaya niyang matalo si Kid!"

"Anong nangyayari?!"

Nang marinig ito ni Priest Meng, tumango ito at nagsalita. "Sumuko na ang sumunod na kalahok. Sunod!"

Dahil sa ipinakita ni Kid, nagkaroon ng kaunting interes si Monet sa kanya. Natawag nito ang kanyang pansin kungnkaya't nais niyang panoorin ang mga gagawin ng binata.

Sumunod na umakyat sa entablado ang susunod na hahamon kay Kid. Mapayat siyang lalaki ngunit matangkad. May mga mga pasa at maliliit pa siyang sugat mula siguro sa nauna niyang laban.

Nang makita ito ni Kid kumuha siya ng pill sa kanyang kwintas at ibinato sa lalaki.

"Inumin mo iyan. Hindi kita lalabanan ng ganyan ang estado ng iyong katawan." Aniya. Sinalo naman ng lalaki ang pill na bigay ni kid.

Tumatakbo sa isip nito ang ginawa ni Kid. Nakikita niya ito bilang panliliit sa kanya dahil sa aksyong ginawa ni Kid. Binato niya ang pill at inapakan. Makikita ang nawasak na pill na nakahiga sa entablado.

"Hindi ko kailangan ng Pill na iyan! Kaya kitang talunin kahit wala iyan!" Sigaw niya.

Ayaw niyang minamaliit siya. Nagsasanay siya ng marahas sa training ground sa Barracks para sanayin ang kanyang katawan pati na ang kanyang mga Martial Art Skills saloob ng isang buwan.

Sa sarili niyang pagsisikap, nakaabot siya ng 2nd Mortal Realm peak at kaunting hakbang nalang ay makakaabot na siya sa 3rd Mortal Realm. Hindi siya humingi ng tulong mula sa iba dahil mataas ang tingin niya sa sarili niya.

"Hindi ko kailangan ng awa mo. Kaya kitang talunin kahit wala ang pill na iyan!" Aniya at naghudyat na si Priest Meng para simulan ang laban.

"Aaaarrrgghh!" Sigaw ng lalaki at sumugod sa pwesto ni Kid. Naaral niya ang mga kilos ni Kid kung kaya't kampante siyang matatamaan niya si Kid ng kanyang Martial art Skill. Naghanda naman si kid sa pagsugod ng lalaki at ilang sandali pa ay agtama ang kanilang mga kamao.

Hindi pa gumagamit ng Skill si Kid ngunit makikita na ang epekto ng kanyang ginawang atake sa kanyang kalaban. Gumawa ng kaunting pagsabog ng hangin ang pagtama ng mga kamao at nagdulot ng pagtalsik ng dalawa palayo sa isa't isa.

Halos tatlong metro ang layo ng dalawa sa isa't isa at hindi sila kumilikos.

"Malakas ka nga talaga. Hindi kataka- takang natalo mo ang malaking asungot na iyon!" Sabi ng lalaki kay Kid. Ang tinutukoy niya ay ang napatalsik ni Kid na lalaki. Ang una niyang nakalaban.

"Ipapakita ko sa iyo ang lakas ko!" Sigaw niya.

Agad siyang sumugod kay Kid at itinaas ang kanyang kamao. Masakit na ang kanyang kamao dahil sa pagtama nito sa kamay ni Kid ngunit hindi niya iyon ininda dahil alam niya na ganoon din ang nararamdaman ni Kid.

Ngunit ang hindi niya alam ay walang kahit anong masamang nararamdaman si Kid. Hindi masyadong tumalab ang kanyang patake dahil sa Iron Fullbody na Skill ni Kid. Napansin din ni Kid na mas lalong nasasanay ang kanyang katawan sa mga atakeng kanyang nararanasan at habang tunatagal ay lalong nawawalan ito ng epekto sa kanya.

SpiritsWhere stories live. Discover now