[ CHAPTER 32 ]

Magsimula sa umpisa
                                    


"Katulad nga ng aming sinabi, kami ang anak ng retiradong pinuno ng council sa aming kaharian, bago mag retiro ang aming ama ay napakiusapan niya na kaming dalawa ang aking kapatid ang sumalo ng kaniyang pangako sa Dating Hari sa mundo ng bampira na si Emperor Menosus ay nagkasala ang Prinsipe na si Calix at Damon dahil sa pagtatago sa itinakdang babae na dapat na mapangasawa ng aking kapatid." mahaba ngunit nakabibiglang sabi ni Himoya.


"Matagal na silang nawalan ng karapatang maging Hari at Prinsipe ng mundo ng bampira na kahit ang kanilang ama ay napatanggal na sa pamumuno at sa halip na kami agad ang umupo sa kaharian ay kailangan na muna na maipakasal ang aking lalaking kapatid sa babaeng itinakda." muli niyang pakabuluhang wika.


"Kaya kami narito sa iyong harapan ay dahil, may nakapagsabi sa amin na kaibigan mo daw ang mga nasabing Prinsipe, hindi namin sila kayang bihagin dahil sa lakas na kanilang taglay, kaya ikaw ang aming kinuha sa kanila dahil alam naming mapagsasalita ka namin kahit papaano" mahinahon namang sabi ni Prinsipe Lawrence.


"Bakit kailangan niyo ang itinakda?" tanong ko.


"Dahil ang itinakdang babae ang magdadala ang tagapagmana sa kaharian ng mga bampira, siya na may pinakamatamis na dugo, marahil may ginagamit ang mga prinsipe upang hindi namin maamoy ang kaniyang dugo dahil kahit nasaan man prinsesa na itinakda ay maamoy at maamoy namin ang dugo nito subalit hindi narin nagulat ang mga konseho dahil may mga kapangyarihan din  naman ang mga prinsipe na kanilang namana sa kanilang mga makapangyarihan nilang mga magulang." banggit muli ni Prinsesa Hamoya.


"Ngunit papaano niyo malalaman na yoon ang itinakdang babae? paano kung ang mga prinsipeng iyon ay tanging nambabae lamang ay kumakama ng iba't ibang babae upang sila ay lumigaya?" tanong kong muli.


"Hindi maari na makipagtalik na lamang basta ang mga prinsipe lalo na kung galing sila sa marangyang pamilya, mas magiging malakas ang kapangyarihan ng magmamanang isisilang ng itinakdang babae kung ang lalaki at babae na gagawa dito ay parehas pang birhen at hindi pa nagagalaw nino man, sa madaling salita, marapat lamang na ingatan din ng mga prinsipe ang kanilang mga puri dahil sa unang beses na pakikipagtalik ng prinsipe lamang mabubuo ang nasa propesiyang isang malakas na isisilang ang maghahari." mahaba niyang pagpapaliwanag ni Prinsesa Hamoya.


"Kailangan na sa mabuting kamay mapunta at magkaroon ng anak ang itinakdang babae." pahabol pa nito.


Alam na niya sa sarili niya na siya ang tinutukoy nito na itinakdang babae, ngunit wala atang alam ang dalawang ito na siya na ang hinahanap nilang itinakdang babae.


Napagtahi-tahi na niya ang mga pangyayari, ilang beses silang nagtalik ni Damon, maaring dinadala na niya ngayon ang nasa propesiyang maghahari sa mundo ng mga bampira.


"Kaya kailangan mong sabihin sa amin kung sino ang kilala mong kinakasama ng mga prinsipe, dahil alam naming kasama na nila ang itinakda." Pag-u-utos ni Prinsipe Lawrence


"Hindi rin naman maari na ikaw yon, dahil oo nga, nasa hitsura mo ang pagiging isang itinakdang babae ngunit wala kaming maramdaman sayong kahit kakaunting enerhiya" pagpapaliwanag ni Prinsesa Hamoya  sa kaniya


Alam kong may pagbabago sa aking katawan, may ginawa siguro si Damon sa aking katawan upang maitago ang aking katauhan.


Kailangan kong mailigtas ang aking sarili at kung sakali mang nagdadalang tao ako ay kailangan ko din itong mailigtas....hindi ko man sigurado na nagdadalang tao ako ngunit mayroon itong pag-asa dahil hindi iisang beses lamang kami nagtalik ni Damon.


"Noong bago niyo ako dukutin ay may kasa kasama si Prinsipe Calix na isang babae na maganda ang kutis at maputi, maganda rin ang kaniyang mga mata..." pagsisinungalin ko.


"Sa pagkakatanda ko ay nagsasama sila sa iisang kwarto ay marahil na siya ang inyong hinahanap dahil hindi malayuan ni Prinsipe Calix ang binibining iyon" dagdag ko pa.


"Marahil siya nga ang iyong tinutukoy" agad na pagsang ayon sa akin ng Prinsesa.


"Ngunit kapatid wag na muna natin siyang pakawalan" agad na sambit ni Prinsipe Lawrence


Nalintikan na!


"Hindi yan maari, napagusapan na natin ito, palayain niyo na ako dahil puro katotohanan lamang ang aking sinasabi."


"Maawa na kayo sa akin" dagdag ko sa pagmamakaawa ko, kailangan kong makaalis dito.


"Ngunit kapatid, tayo ay Prinsipe at Prinsesa kaya't marapat na tumupad lamang tayo sa ating usapan" pagkatapos niyang banggitin iyon sa harap ng kaniyang kapatid ay agad din itong humarap sa akin.


"At ikaw binibini, sa oras na malaman namin na nagbibiro ka lamang ay madali ka naman naming mahahanap sa oras na gusto namin, marapat lamang na nagsasabi ka ng totoo dahil tutuparin namin ang ating usapan." pagba babala sa akin ni Prinsesa Hamoya


"Makaaasa kayo." maiksi kong banggit.


"Maari ka nang makalaya"


Asnueno kasminatesmoni lasyetin aburtin..


Agad na naglaho ang lahat sa aking paligid.


(A/N -Sige Ganito para ganahan akong mag UD, 50 comments for the next Update!)


(A/N - Huwag kayong magalit sa akin, kasi galit din ako sa sarili ko BWAHAHAHAH, sorry napakatagal kong mag UD hahahahah. Belated Merry Christmas and Advance Happy New Year)


-NeytNateNath

EROTIC VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon