"Ang kailangan nyo lang gawin ay palabasin ng pulang bilog ang kalaban at makukuha ninyo ang tagumpay. Maaaring sumuko ang kahit sinuman at ang katumbas ng pagsuko ay talo!" Aniya.

"Ang premyong inyong makukuha ay dalawang Body Nurturing Pill at isang Core Rank Martial Art Skill. Makukuha ninyo ang Skill sa Martial Hall." Aniya.

Naging masaya naman ang mga nakarinig ng premyo. Bukod kasi sa Nurturing pill na makukuha nila, makakakuha pa sila ng isang Martial Art Skill!

Pero hanggang ngayon ay nasa loob parin si Kid ng kanyang bahay at parang walang naririnig sa labas.

Patuloy siya sa pagku cultivate para makaabot na sa 3rd Mortal Realm. Ilang sandali pa ay naramdaman na ni Kid ang pinakahihintay na pagputok sa kanyang katawan.

*Blash!!

Nag iba na ang awra ni Kid dahil nakaabot na siya ng 3rd Mortal Realm. Mas nararamdaman na ang awra niya at mas mabigat na ito kumpara sa iba. Napansin rin niya na mas kuminis ang kanyang balat na para bang bumata pa siya lalo.

"Sa wakas! Makakapagpalakas na ako ng Martial Art skills ko!" Anoya at sinimulan na niya ang pagpapalakas. Hindi niya alam na sa labas ng kanyang bahay nagsisimula na ang paligsahan.

"10!" Sigaw ni Priest Meng. Bumunot narin si Priest Xiao sa kahon na makakalaban ng pang 10.

"4!" Sabi niya.

Umakyat ang isang lalaki na may matabang pangagatawan. Mayroon siyang mala- baong buhok na makapal. Base sa kanyang damit at pagkilos, marangya ang pamumuhay ng matabang lalaki.

Sa kabilang banda naman, umakyat ang isa pang kalahok. May malalaki itong mata na nagbibigay ng nakakatakot na awra. Malaki ang pangangatawan nito at may mga peklat sa kanyang katawan. Nakasando itong itim na may mga butas butas.

"Humada ka taba!" Aniya.

Pinahid naman ng matabang lalaki ang kanyang ilong at naghanda narin sa kanyang paag atake.

"Ha! Wala kang magagawa mamaya!" Panghahamon ng matabang lalaki.

Nakapwesto na ang dalawa at hinihintay nalang ang hudyat ng pagsisimula ng labanan.

Itinaas na ni Priest Meng ang kanyang kanang kamay. Nakatingin ang dalawa sa. Kamay na iyon ni Priest Meng, nang bigla niya itong ibinaba. Hudyat na simula na ang labanan. Nagsigawan ang mga gwardya na nanonood sa kanilang paligid.

Unang sunugod ang matabang lalaki.

"Force Palm!" Sigaw niya. Nakapwesto siya na parang isang sumo wrestler at ang dalawang kamay ay aakmang dadakma papunta sa kanyang kalaban.

Ang Force Palm ay isang tier 2 Core Rank Martial art Skill kung saan ang mga palad ng nagsanay ng skill na ito ay may kakayahang magpatumba ng malaking puno.

Kailangan mong magkaroon ng malaking pangangatawan upang makapaglabas ito ng mas malakas na atake. Mas mabigat ang magsasanay nito, mas epektibo.

Hindi naman natinag ang lalaking may malalaking mata. Nakatayo lang ito at nakaharap sa malaking lalako na papunta sa kanya. Bigla niyang kinuyom ang kanyang mga kamao nang makalapit na ang matabang lalaki.

"Five Inch Punch!" Sigae niya. Nang magtama ang kamao ng lalaki at ang palad ng matabang mama, mayroong naramdamang kaunting paghangin sa pagtama ng kanilang mga atake.

Ilang sandali pa, biglang pumait ang mukha ng matabang lalaki dahil unti unti siyang tumalsik palayo sa lalaking malaki ang katawan.

"Aaarrggh!" Sigaw ng matabang lalaki at tumalsik siya palayo sa entablado.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon