Chapter Thirty Seven: AWWW.. T__T

Start from the beginning
                                    

Tinawagan ko agad si Em saka nagkwento..

“Anong nangyari? Bakit mo sinabi..”

“Hindi ko kaya magsinungaling..”

“Pa’no ka na ngayon nyan?”

“Ewan ko..” Sobrang guilt yung nararamdaman ko..

I just blew out everything..

_______________________________________________________________________

July 2010

He never called.

:(

18th birthday ko.

D':

Habang dumadaan ang mga araw.. Kinakain ako ng lungkot at guilt..

Hindi ko naman kasi kayang magsinungaling..

Lalong hindi ko intensyon na saktan sya..

Baliw lang?

OO, gaguhan na ‘to. Kaysa dalhin ‘to ng konsensya ko at maalala ko sya tuwing magkausap kami, mas magandang malaman na nya..

Kahit na sobrang miss ko na sya, hindi ako makatawag o makatext..

Pakapalan ng mukha?

Baka kahit hindi nagmumura yon, masumpa ako ng de oras no'n..

HAY..

Plano kong matulog lang.

Wala naman akong espesyal na gagawin.

Ayoko talaga ng mga gowns, tapos engrandeng set up sa kung saan..

Feeling ko sayang sa pera at effort.. Saka masyadong pangchix.

Pag-uwi ko galing school, nagpalit lang ako ng damit tapos tulog sa kwarto.

Nga pala, nirenovate personally ng Mama ko yung isang kwarto sa bahay tapos ineregalo sa’kin. Yung dati kong kwarto, kasama ko ang kapatid kong babae at double deck yung kama, ako sa taas.

Okay lang, kasama ko si Dylan, Marion and friends...

Okay. Mga stuffed toy sila. :D

Eto siguro yung childish na bagay na naretain sa'kin.

Sabi nga nila, 'There is a child in everyone of us'.

Ewan ko lang kung sinong sila yon.

Nagulat nga si mark dati nang malaman nya, pero hindi nya ako tinawanan. Nawirduhan lang sya kasi wala daw sa personality ko..

Heartless B*tchWhere stories live. Discover now