"Hahaha! Ano bang klaseng Fate Beast iyan! Hindi mo masakyan. Hindi makalipad. Walang kakaiba sa pusang iyan! Paano ka magiging Official Guard niyan!" Sigaw niya at humalagpak nanaman ang tawa.

Wala namang emosyon ang mukha ni Priest Meng. Tinignan lang niya ng mabuti si Kid hanggang makabalik ito sa kanyang pwesto. Nakita niya ang reaksyon ni Kid sa kanyang Fate Beast. Hindi man niya matanggap ang kanyang Fate Beast, nasa mukha parin niya ang pagiging kontento at saya.

Tinititigan ni Kid ang pusang kanyang Fate Beast. Hindi niya alam kung anong uri ng Fate Beast ang kanyang nakuha pero ganunpaman, naging masaya siya dito.

"Matagal akong naghintay ng aking Spirit Beast. Hindi ako naghangad ng kahit ano kung kaya't kung ikaw ang nakatadhana sa akin, wala akong magagawa kundi tanggapin ka ng huong puso." Aniya sa pusa. Tumingin naman ang pusa sa kanya. Nangungusap ang nga mata niya kahit na walang buhay ang mga mata niya. Alam ni Kid na bulag ang pusa dahil nararamdaman niya iyon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, naiintindihan niya ang mga kilos at galaw ng pusa. Napangiti si Kid sa kanyang Fate Beast at napatingin sa pwesto ni Priest Meng.

Napansin ni Priest Meng ang pag angat ng uli ni Kid at nagkatinginan silang dalawa. "May kakaiba talaga sa batang ito. At ang Fate Beast niya..." aniya sa sarili niya at tinanggal na niya ang kanyang nasa isipan.

Natigil lang ang lakat ng sumigaw muli si Priest Meng. "Sunod!" At nagpatuloy ang iba pang mga bagong gwardya sa pagkuha ng kanilang mga Fate Beast.

Ilang sandali pa at natapos na ang oras sa Beast Hall. Nagsalita si Priest Meng at nakuha ang atensyon ng lahat. "Ngayon ay pupunta naman tayo sa Martial Hall. Makukuha ninyo ang una ninyong Martial Arts doon!" Sigaw niya.

Sabay sabay na tumango ang mga bagong gwardya at nagsimula na silang maglakad. Ilang metro lang naman ang layo ng Martial Hall sa Beast Hall dahil nga ito ang palaging pinupuntahan ng mga gwardya kung kaya't hindi na kataka- takang magkakalapit lalit lang ang mga ito.

Tulad ng Beast Hall, malaki rin ang Martial Hall pero mas madami ang mga taong labas- pasok dito.

"Kung mapapansin ninyo, mas marami ang mga gwardyang gumagamit ng Martial Hall. Dito kasi makukuha ang mga Martial Arts Skills na magpapalakas sa inyong katawan." Sabi ni Priest Meng.

"Ang Martial Hall ang pinanggagalingan ng mga Martial Art Skills na ginagamit naman ng mga Gwardya sa pagdepensa at pag atake sa mga goblins. At ngayong araw, tulad ng pagkuha ninyo ng inyong mga fate Beast, kukuha rin kayo ng inyong Core Rank Martial Art Skill na makakatulong sa inyo para mapalakas ang inyong sarili." Sabi niya.

"Pumasok na kayong lahat sa loob. Mayroon lang kayong 30 minuto para pumili ng Martial Art Skill na gusto ninyo, pag aralan at kabisaduhin. Pagkatapos ng tatlumpung minuto, lalabas na kayo ng Martial Hall. Bawal ang magtagal sa loob ng Martial Hall ay kapag nagtagal kayo, ako mismo ang susundo sa inyo sa loob." Sabi ni Mriest Meng at naglabas ng kakaibang awra.

Nagtaasan ang mga balahibo ng mga bagong gwardya.

"Pumasok na kayo sa loob. Ang tatlumpung minuto ninyo.., ay magsisimula na!" Sigaw ni Kid.

Agad na pumasok ang lahat ng mga bagong gwardya, iba kay Kid. Kalmado siyang pumasok sa loob ng Martial Hall.

Bumungad sa kanya ang napakaraming libro. Mga librong katulad ng ibinigay sa kanya ni Mang Hann sa baryong pinanggalingan niya.

Magkakita niya ng mga librong iyon, para bang mayroong magnet na naghila sa kanya papunta sa mga librong iyon. Pero biglang tumalon ang pusa sa kanyang balikat papunta sa lapag. Naglakad ito salungat kung saan si Kid papunta.

"Oy! Saan ka pupunta?!" Sabi ni Kid at sinundan ang pusa. Ilang sandali pa ay huminto ang pusa sa isang parte ng Martial Hall na walang ganoong kadaming tao. Umakyat ito sa kabinet ng mga libro na para bang may hinahanap.

SpiritsWhere stories live. Discover now