Ilang sandali pa at bumalik na si Kid sa labas at nagpahinga na.

Sa loob ng Guard Hall, nag uusap ang dalawang lalaki. May matataas silang Cultivation. Ang isa ay nasa 1st Ascended Realm at ang isa naman ay 3rd Ascended Realm. Kasama sila sa 10 mga malalakas na tao sa loob ng Capital City.

Sa Gaia, mayroong limang Cultivation Realm. Ang Mortal Realm, Ascended Realm, True Mortal Realm, Mystic Mortal Realm at God Mortal Realm. Sa bawal Realm, mayroong 9 na level.

Parehas ito sa mundong pinanggalingan ni Kid kung kaya't madali lang ito matandaan. Kumpara sa Gaia at sa pinanggalingan ni Kid, ang cultivation dito sa Gaia ay nakasentro sa katawan ng indibidwal. Nakasentro ito sa pagpapalakas at pagpapatibay ng katawan ng indibidwal. Akmang akma ito kay Kid dahil ang dahilan ni Master Val kung bakit niya sinabihan si Kid ay para mapalakas nito ang katawan niya bago siya magkaroon ng Spirit. Kapag magkakaroon si Kid ng isanGmalakas na pangangatawan kapag nakahanap na siya ng Spirit, madali nalang siya magpalakas at makapag breakthrough sa bawat step.

Dahil nga binigyan ni Master Val si Kid ng isang technique kung saan ang hirap sa pagbe breakthrough sa dalawang step ay katumbas lang ng isang step, kailangan talaga niya ng matibay na pundasyon para makapagpalakas ng mabilis.

Nag usap ang dalawang lalaki sa tapat ng Guard hall.

"Kamusta ang mga bagong mga Gwardya.?" Tanong ng lalaking nakapula. May maayos itong damit kung saan komportable siyang nakakakilos.

"Magagaling sila. Mas maganda ang kanilang mga resulta kaysa sa mga gwardya noong nakaraang taon." Sabi ng isang matandang lalaki. May masungit itong mukha. Mapili. Siya ay si Priest Meng.

"Magaling. Ako mismo ang titingin sa kanila." Sabi ng lalaki.

Nagbigay naman ng gulat si Priest Meng nang marinig itong sabihin ng lalaki. "Bakit? Hindi ba ngayong taon, ako ang mamamahala sa mga bagong gwardya?" Aniya.

"Bakit? Ako naman ang may hawak ng lahat ng mga gwardya sa Capital City ah. Kapag nakapasa sila sa iyo, pupunta rin sila sa akin! Anong masama kung makita ko sila." Aniya.

"Kahit na! Hindi aakma ang iyong paraan sa mga baguhan na iyon!" Sigaw niya.

"Haha! Osige. Sasama nalang ako sa iyo. Wala akong gagawin. Manonood lang ako bukas at titignan ang mga may mga potensyal. Ang ibang mga walang potensyal, pwede mo nang ibalik sa kanilang mga bayan." Aniya.

"Ano ba Xiao! Ako ang bahala sa mga batang iyon. Sa susunod pang taon ka magkakaroon ng kapangyarihan na pumili ng mga magiging Opisyal na Gwardya!" Sigaw ni Priest Meng.

"Ay. Oonga pala. Haha! Manonood nalang ako bukas." Sabi niya sabay kamot sa ulo.

Napailing nalang si High Priest Meng sa ugali ni High Priest Xiao. Sa loob kasi ng Capital, nahahati ang mga gwardya. Ang una ay ang mga Official Guards at ang pangalawa ay ang mga Outer Guards. Ang mga Official Guards ay ang mga Gwardya na may malaking katungkulan sa Capital City. Sila ang nangunguna sa pagdepensa sa Capital. Madami pa silang mga benipisyo na hindi nakukuha ng mga Outer Guards. Ang mga Outer Guards ang mga nagbabantay sa bawat bayan na sakop ng Capital City. Ang magandang halimbawa ng isang Outer Guard ay si Ana.

Ilang oras na din ang lumipas at umaga na sa Gaia. Lumabas na ang isang bola ng apoy sa langit na nagbigay liwanag sa Gaia.

Agad na naghanda si Kid at bumangon na sa higaan. Masakit ang kanyang likod dahil sa tigas ng kamang kanyang hinigaan.

"Aaaarrghh! Aray." Aniya sabay bangon. Ilang sandali nalang kasi at darating na ang magpupulong sa kanila.

Paglabas ni Kid ay nakita niya si Lee. Magkatabi lang sila ng bahay na tinirahan.

"Magandang umaga, Kid." Sabi ni Lee.

Tumango si Kid sa kanya at naghanda na sa pagdating ng magpupulong sa kanila. Dahil nga medyo maaga pa, pumasok si Kid sa loob ng singsing para kumain ng mga prutas na yanim nila ng kanilang master. Nang makakuha ng ilang mga prutas, inilagay niya ito sa kwintas at lumabas na ng singsing.

Paglabas, inilabas naman ni Kid ang ilang prutas na kanyang nakuha sa loob ng singsing at binigyan si Kid.

"Uy! Salamat dito Kid ah. Saan mo ito nakuha?" Tanong ni Lee.

"Aah. Binigay sa akin ito nila Mang Gary at Aling Rosa." Sabi niya sabay kamot sa kanyang ulo. Nagtaka naman si Lee sa kanyang sinabi.

"Sa pagkakaalala ko, walang ganitong prutas sa baryo eh." Aniya.

"Ahh. Ehh." Sabi ni Kid. Nang lumabas na ang maglilibot sa kanila sa buong Central City. Si Priest Meng.

"Magandang umaga." Aniya at nagsilapit na ang mga bagong gwardya.

Isa isang binigyan ni Meng sila Kid ng isang maliit na libro. "Ang librong iyan ang mga patakaran sa loob ng Capital City. Nakasulat din diyan ang lahat ng kailangan ninyong malaman tungkol sa cultivation at mga tungkulin ng pagiging gwardya." Aniya.

Sa tabi ni Priest Meng, ay si Priest Xiao. Isa isa niyang sinuri ang bawat bagong Gwardya.

"Hmph! Mas mataas lang sila sa mga normal na gwardya. Walang may kakaibang kakayahan sa kanila." Aniya sa sarili.

"Maghanda na ang lahat. Lilibutin na natin ang buong bayan." Sabi ni Priest Meng kila Kid. Naghanda na sila at naglakad na palabas sa barracks.

Isa isa nang inilibot ni Meng ang mga gwardya. Napanganga naman ang mga bagong gwardya pati na si Kid. Nakakamangha ang ganda ng Capital City. Madami rin ang mga tao sa Capital city singdami tuwing kinagabihan.

Tuwing gabi sa Capital City, nagmimistulang mga bituin ang mga ilaw sa bayang ito. Maganda ito tuwing gabi pero ang totoong ganda ng Capital City ay makikita tuwing umaga. Napagalawak ng lugar na ito. May mga magagandang tanawin din at matataas na tore sa paligid.

Sunod nilang pinuntahan ang Beast Hall.

Isa itong mataas na establisyamento singlaki ng isang simbahan. May malaki itong pinto sa harap at may nakatayo sa harap ng pinto.

"Priest Meng! Sila ba ang mga bagong gwardya?" Tanong ng lalaki kay Meng.

"Oo, Carlo. Sila ang bagong Gwardya." Aniya.

"Ah ganon po ba, pasok na po ako sa loob" sabi ni Carlo kay Priest Meng.

"Ah. Sige." at humarap kila Kid. "Nandito kayo ngayon sa Beast Hall. Isa ito sa pinaka importanteng hall na inyong kailangan malaman bilang isang gwardya." Sabi niya.

"At ngayong araw, makakakuha na kayo ng inyong Fate Beast." Tuloy niya.

● Dalawang dipa ang haba at lapad - approx. 13m²

SpiritsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ