"Ang Central City ay isa sa 8 Bayan na bumubuo sa sakop ng mga tao. Natural na magkaroon ng ganitong uri ng batas ang bawat bayan upang mapanatili ang kapayapaan dito." Sabi niya.

"May punto ka riyan. Pero kailangan kong makapunta sa Central City. Nais kong magbakasakali na nandoon ang mga kaibigan ko." Sabi niya pero namuo ang lungkot sa kanyang mukha.

"Pero wala akong 100 silver para pambayad para mapakasok." Aniya.

"Nakakahiya naman kung manghihingi pa ako sa inyo" sabi ni kid sa kanyang isip.

"Mayroon namang mga paraan para makapasok." Sabi ni Ana na nagbigay buhay kay Kid. "Maaari ka namang pumasok sa Capital ng patago. Pero ang kapalit nonnay kapag nadiskubre ka ng mga gwardya ay siguradong makukulong ka." Sabi ni Ana.

Ngumisi si Ana nang sabihin ito dahil para bang walang ibang pagpipilian si Kid kundi iyon lamang. Lalo namang nawala ang buhay sa mga mata ni Kid nang marinig iyon.

Lalong nawalan siya ng loob sa sinabi ni Ana. Pumasok sa kanyang isipan na kapag hindi na niya nakita sila Zed. Lalu na si Scarlet na ipinabantay sa kanya ng Hari.

Nang maalala ito ay nangitim ang mukha ni Kid sa takot.

"Mayroon pang isang paraan." Sabi ni Ana.

Napaangat ng ulo si Kid. Pero naalala nanaman niya ang unang paraan.

"Kung nakasalalay na diyan buhay ko, huwag na." Wala sa sariling sabi niya na nagbigay ng ngiti sa mukha ni Ana.

"Huwag kang mag alala. Hindi ito nakakamatay o kung anuman." Aniya. "Kailangan lang ikaw ang makuha ng High Priest para maging Sundalo ng Capital." Aniya.

"Sa loob ng isang linggo, magaganap na ang pagkuha ng mga bagong sundalo ng Capital. Iyon lamang ang nakikita kong isang paraan para makapasok ka sa Capital ng walang babayaran."

"Pero... "

"Kailangan mong ipakita ang galing mo sa paghawak at paggamit ng mga armas." Aniya. "Kung kaya't mayroon ka na lamang isang linggo para magsanay." Sabi ni Ana na para bang nang aasar.

Nang makita kasi ni Ana ang binata, pansin nito na normal lamang siyang tao. Walang kakaiba sa kanya at sa palagay niya ay mukhang matalino ito. Ngunit wala itong kahit anong kakayahan pagdating sa pakikipaglaban.

"Babalik ako dito kasama ng High Priest. Papanoorin kita sa araw na iyon." Sabi niya sa binata.

Mapapansin ang pagmamaliit nito sa binata. Hindi naman niya ito sadya ngunit pakiramdam lang niya na mas angat siya kay Kid pagdating sa paggamit ng armas lalu na ang pana.

"Salamat Ana! Gagawin ko ang lahat." Sabi ni Kid sa dilag at bumalik na sa bahay nila Emy. Doon muna siya maninirahan dahil pinilit siya nila Gary at Emy na doon muna siya matulog.

Mabilis lumipas ang gabi at sumilip na ang araw sa langit.

Bumangon na si Kid sa kanyang pagkakahiga. Tumatakbo sa kanyang isipan ang sinabi ni Ana kagabi.

"Sa loob ng isang linggo, magaganap na ang pagkuha ng mga bagong sundalo ng Capital."

Iyan ang paulit ulit na tumatakbo sa kanyang isipan. Kailangan niyang magsanay para sa susunod na linggo ay mapili siya ng high priest at makapasok sa Capital.

Agad na pumasok sa kanyang isipan ang kasagutan dito.

Ang Bemeroth.

Ang Bemeroth ay may taglay na kakayahan na magbigay ng abilidad sa nagmamay ari nito na maging bihasa sa paggamit sa mga armas na kanyang hawak.

SpiritsWhere stories live. Discover now