Epilogue

60 0 0
                                    

EPILOGUE

Haaay ang bilis ng panahon. Gagraduate na ako. After ilang years na pagstruggle sa skwelahan mula kinder hanggang pagtungtong sa college, heto na ako. Unti-unti ng tinatawag pangalan namin. Heto ako sa gilid at super excited na akong umakyat sa stage para tanggapin ang diploma kahit hindi ito ang tunay na diploma. Haha.

“ALISON C. MENDEZ.” Ako na!

Umakyat ako. Pag nasa stage ka, parang nakakaiyak kasi finally, natapos ka na rin. Kita ko mula sa right ang family ko ang laki ng ngiti. Ang sarap sa feeling. Their hardwork finally pay off. Pagkababa ko, nafefeel ko na rin ang struggle as someone na makikipagsapalaran sa totoong buhay at maghahanap ng trabaho.

Nang matapos na ang ceremony, sabay kami sa pagpunta ng restaurant para kumain. Nang makarating kami, andun na sina Logan at Ben naghihintay sa loob. Oo nga pala, ano, kasi alam na ng parents ko na nagsisimula ng manligaw si Ben at okay naman sa kanila. Matagal din ang paghihintay nya. Haha.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano sya sasagutin. Paano ko ba sya sasagutin? Haha. Pero ang sabi ko naman sa kanya noon na gusto ko munang matapos mag-aral saka ko sya sasagutin. Tapos na ako. Naghihintay pa kaya sya?

“Hello po.” Sabi ng dalawa.

Sila lang pala dalawa since wala dito sina ate. Si Logan? Ayun, nalaman nya ang reason ni Amanda. Medyo mahirap sa part nya. At gaya ng mga typical airport habulan sa movies, ganyan ang nangyari sa kanila. Hinabol ni Logan si Amanda sa airport at ayun, nagbati. At nagsabihan ng I love you's at nagkabalikan.

Pupuntahan na lang daw ni Logan si Amanda kung may pera sya at bibisita raw si Amanda kung may pagkakataon. Ang sweet nga eh.

“Hi, Ali.” Sabi ni Ben. “Congrats!”

I smiled. “Salamat ha.”

“Maupo ka.” Tapos nag-order at kumain na kami.

Kinakausap ng parents ko si Ben. At sa nakikita ko, mukhang determinado pa eh. Swerte ko naman sa kanya (kahit hindi pa kami. Hehe). Paminsan-minsan, dumadalaw si Ben sa bahay; minsan, may lakad kaming dalawa – eh date na 'yun, nahihiya lang ako. Hehe.

Minsan nga may konting tampuhan kami pero nagkaka-ayos din. Sa sobrang inis ko linakad ko ang school papuntang bahay. Haha. Nakakapagod kaya 'yun. Inis na inis ako nun kasi ayaw ko syang pumunta ng school para sunduin pero pumunta sya. Nagtalo kami tapos umalis na lang sya at iniwan ako. Mga three times a week lang kasi kami nagkikita simula nung nagkatrabaho sya 4 months ago.

Dahil sa sobrang inis ko, gusto ko lang maglakad ng maglakad. I was planning on taking the jeep sa mall na malapit sa school pero hindi ko namalayan na lumagpas na ako kaya patuloy na lang akong lumakad. Pagka-uwi ko, diretso sa kama. Pero nang gabing 'yun ay pumunta si Ben sa bahay para kausapin ako pero hindi ko sya kinausap. The next morning, nakita sya ni papa sa labas ng bahay nakatulog that's why I decided to talk at nagbati kami.

***

“Bespren, dalian mo nga.” Sabi ni Logan. It's just a day after ng graduation tapos agad-agad syang pumunta ng bahay para lang madaliin ako.

“Teka lang. Sabihan mo syang maghintay.”

Hinahanap ko pa kasi ang bracelet na bigay ni Ben. Nakalimutan ko kung saan ko nilagay. Hmm… teka, sa banyo ata. I scan and there. Haaay buti naman. Kaya dali –dali na akong bumaba.

“Tagal mo. Heto oh.” Umalis sya sa harapan ng laptop at sa screen lumabas ang mukha ni Amanda.

“Hi Ams!”

“Ali! Miss na kita!” sabi ni Amanda. Nag video call kasi kami.

“Ako din. Kumusta ka?”

“Mabuti naman. Namimiss ko lang kayo lalo na 'yang bespren mong atat. Hahaha.”

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon