Chapter 35

24 0 0
                                    

Chapter 35

Nasa bench pa rin kaming dalawa. Ba’t ba kasi aalis-alis pa itong si ate Rikka. Ano namang gagawin nya sa department na bawal naman ang students dun kung exam week.

Oo nga. Bawal.

Anong klaseng excuse ’yun? Hindi rin naman sya student assistant or member ng organization? Naku ate ha. Anong masamang hangin ’yan gusto mong ipalabas? Hahaha.

“A-ano ’yun?” tanong ko kay Ben.

“Ah… Eh, bakit mo ba ako iniiwasan?” BOOGSH.

“Ano?”

“Ali naman. ’Wag mo naman akong iwasan. Ayaw mo na ba akong maging kaibigan?”

“H-hindi naman sa ganun.”

“Bakit nga?”

“Eh…” diba sabi ko sayo na lalayo muna ako. Hiyang-hiya na ako Ben.

“Ayaw mo pa akong replyan. Hindi naman ako galit sayo eh. Bakit naman ako magagalit?”

“Oy, wala akong sinabi na galit something ha.”

“Masama bang makipag-usap sayo?”

“Hindi.”

“Hindi na kita nakikita at nakakausap. Namiss kita.”

“A-ano?” ang OA naman. One week lang naman kaming hindi nagkita. Bakit, nagkakagusto ka na ba sakin? Nyahaha. Ang feeling ko bes!

“I miss you.”

“Asus! One week lang naman.” I miss you, too! Wahahaha. The butterflies in my stomach won’t stop. Pa-as if nalang ako.

He smiled that beautiful smile. Nag lighten ang mood ng bigla. Ngumiti na din ako at pareho kaming napatawa. Ewan ko kung ano ang nakakatuwa at bigla na lang kaming tumawang dalawa.

“Hay naku. Ewan ko talaga sayo.” Sabi ko.

“Hey guys!” isang pamilyar na boses ng babae ang tumawag mula sa likod. Lumingon ako at nakita si Andrea papalapit.

Okay so sure na talaga ako na lalayo. Baboosh!

“Hi, Andrea.” Bati ko.

“Hi.” Bati naman ni Ben.

“Ben, kailan pala kayo ni Amu pupunta ng bahay? Ang tagal nyo ng hindi nakapunta dun.” Sabi ni Andrea.

“Ah ano, excuse me lang ha. M-mag C-CR muna ako. Ah pakibantay na lang ng bag ni ate.” Sabi ko naman. Ano naman ngayon kung gusto kong mag-CR?

“Ganun ba? Sige-sige.” Sabi ni Andrea. Dali-dali akong lumalayo.

“Diba may CR sa malapit?” tanong ni Ben.

“Ay hindi, mas gusto ko dun sa malapit sa gym kasi… malinis. Sige alis muna ako.” Ang layo kaya papunta ng CR sa gym mula sa kina-uupuan namin kanina.

Dahan-dahan akong lumalakad papunta ng gym. Hindi naman talaga ako mag-C-CR dahil hindi naman ako naiihi. Manalamin na nga lang.

Pusang gala! May multo!

Joke!

Pero siguro kung titignan nyo ako, para akong white lady dahil sa haba ng buhok na super messy. Kaya lang hindi ako maputi. Nyahaha. Pero alam nyo ba nung high school, camping namin ’yun sa girl’s scout eh. Since 2 days and 1 night kami sa school, doon na kami matutulog.

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora