Chapter 33

15 0 0
                                    

Chapter 33

(Ben’s POV)

“Ba’t ang tahimik nyong dalawa? Mukhang may pinag-usapan kayo bago ako naka-abot eh. Ano ba ’yun?” tanong ni Logan.

Kakaalis lang ni Ali at nagsimula syang magtanong.

“Basta lang.”

“Mukhang namumula ata si Ali kanina ah. Maging ikaw. Hahaha. May lagnat ba kayo o may something? Kwento naman tol.”

“Logan, talo mo pa ata ang mga chismosa sa umaga ah.” Ang kulit naman kasi.

“Hahahaha.”

Hindi ko alam bakit nasabi ni Ali ang mga ’yun. ’Yung tungkol sa kay Andrea. Bakit naman naisip nya na si Andrea at siguradong sigurado pa sya? Ali naman, oo!

Oo maganda at mabuting tao si Andrea pero hindi ko sya crush at siguro noon. Pero ngayon hindi na. Nahuhulog na ata ako sa babaeng ’yun.

Si Alison. Simula pa lang nang nakita ko sya, alam kong may something eh. Everything about her is amazing. Hindi ko akalaing lumakas ang loob kong pumunta ng bahay nila para magpaalam sa parents nya. Hindi pa masyadong approve ang papa nya, I respect that. Pero sabi nya naman na maari kong ligawan si Ali after graduation ko.

Ligaw lang naman. Hindi ko rin naman gusting madaliin sya noh.

After nung na-slip ang dila nya sa pagbanggit na crush nya raw ako, hindi ko mapigilan ang ngumiti. Syempre, crush raw ako ng babaeng gusto ko rin noh. Na-prove ko na.

I can’t wait to ask her. Graduation na sana. Ayoko namang biglain sya kasi parang ang panget lang. Dahan dahan na lang muna sa ngayon. Gaya ng pag-ask ko sa kanya na lumabas kami pero as friends lang muna at usap-usap.

Pero bakit naman si Andrea? Feeling nya ba na gusto ko si Andrea hanggang ngayon? Sinasamahan ko lang naman sya dahil tinutulungan ko sya at si David. Mag-isa lang kasi sya sa pagtataguyod kay David kaya paminsan-minsan ay tinutulungan namin sya ni ate.

“Ben, okay ka lang? Mukhang hindi ka ata nakikinig kanina pa kita kinakausap. Datdat ako ng datdat pero mukhang nasapian ka ng tahimik na multo.”

“Sorry tol. Ano ba ’yung sinasabi mo?”

“Si Ali. She’s an amazing girl, right?”

“Oo.”

“Alam mo, gagawin nya ang lahat para mapasaya ang isang tao. Swerte ng taong makakasama nya dahil mahahawa sa bait at palabirong babaeng ’yan. Hindi ’yan sya mahilig mag-express ng feelings in words pero sa gawa nya naman binabawi. Simpleng babae pero –“

“Amazing. I know.” Napangiti naman ako sa loob. She sure is an amazing girl. Magaling pa sa sports. Ang cute din. Hehe.

“Tanong ko lang, may gusto ka ba sa bespren ko?”

Napahinto ako agad. “B-bakit?”

“Basta lang.”

“Bakit mo naman nasabi ’yan?”

“Alam ko kasi ang ibig sabihin ng mga tingin na ’yan eh. Noon pa lang may suspetsa na talaga ako sayo. Hahaha. Trust me. Ganyan din ako makatingin kay Amanda noon.”

I smiled. Wala akong masabi. Wala naman siguro akong dapat ilihim sa kanya diba? Maiintindihan nya ’yung meaning ng smile na ’yon.

“Alam mo, kung hindi lang parang kapatid ko ’yan at hindi nakilala si Amanda, maaring ligawan ko sya eh.” Tinignan ko sya ng really?-look. He chuckled. “Don’t worry, hindi ko naman sya liligawan. Kapatid turingan namin nyan eh.”

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now