Chapter 7

49 0 0
                                    

7

     Friday na pala ngayon. Ang bilis ng araw. Nandito pa ako sa bahay, nag-a-arrange pa ng gamit ko papuntang school. Mamaya pa kasi 10:30 class ko. 9:30 na. Dali ko kasing makalimot, dapat kagabi pa ako nag-ligpit nitong assignment ko kaso, tinamad na ako. Nakakainis talaga gumawa ng lab report sa Chemistry, ang taas! Inabot ako hanggang midnight kaka-gawa. Buti nalang 10:30 pa ako papasok.

     After na prepare ko. Umalis na ako ng bahay at nilock. Ako nalang kasi naiwan, si kuya umalis na kasi dahil 9 diba work nya? Sina mama, papa, at Nate din maaga. Binilisan ko na ang paglabas dahil siguradong traffic ngayon at siguro ay puno ang mga jeep. Ang byahe kasi ng jeep more or less 30 minutes.

     Andito na ako sa school. Papasok na ako sa room, fifth floor na naman ngayon. Ang lalayo nga rooms ko. Nakakatamad. 10:10 na, kaya dalian ko na.

“ALISON!” oy, ang lakas tumawag ng babae na ito ah. Tumingin-tingin ako sa paligid. Sino ba ‘yon?

“ALISON!” nakunakunaku! hindi ko talaga makita. Dami kayang tao. ‘Wag ko na nga lang hanapin, mukha akong tanga kakahanap. Pinatuloy ko na lang paglakad ko. Nakakahiya naman oo.

“Oy! Ba’t hindi ka namamansin? Kanina pa kita tinatawag” biglang may nagsalita sa likuran ko. Tumalikod na ako.

“Ate Rikka! Ikaw pala… hehe. Sorry ah, hindi talaga kita nakita.” Sabi ko naman.

“Hindi nga tayo lagging nagkikita sa school. ‘Di mo pa ako mapapansin,” Nagpout siya, tapos biglang nagsmile. Ano ba ‘yan. “pero okay lang. Saan room mo?” tanong niya.

“Sa Science building fifth floor.”

“Chemistry?” tanong niya. Nagnod ako. “Nakuuu. Ang hirap ng subject na ‘yan. Buti nga tapos na ako niyan. Akalain mo, saktong D lang ‘yung grade ko diyan?”

Buti pa siya naka D. Eh ako? Second take ko na kaya ‘to. Oo na. Ako na ang NAPAKAGALING (baliktarin) sa Chem.

“May class ka ngayon, ate?” tanong ko.

“Oo, sabay na tayo. Same building lang naman tayo eh. Sa sixth floor lang sakin.”

“Sige-sige.”

Naglakad na kami papunta ng Science building. Hindi nila pinagamit ‘yung elevator. Pang faculty and staff lang. Pero pwede naman ang mga students gumamit before ah? Haaaay.

“Friends na ba kayo ni Ben?” biglang tanong ni Ate Rikka. Nasa may second floor na kami.

“Uhmm… hindi ko alam. Kasi ‘hi’ at ‘hello’ lang kadalasan sinasabi naming sa isa’t-isa. Minsan nga smile lang. Bakit mo natanong?” Bakit kaya? Hmm…

“Ahh. Wala lang. Hehe.”

“Crush mo? Ayieee!” pagtutukso ko sa kanya. Paano naman kasi, friends sila at madalas magkasama. Akala ko nga at first sila eh.

“Ano?! Hindi noh!”

“Asuuus! Eh bakit ka nagtanong?”

“Kasi…basta! Haha.”

“Alam mo, ‘wag mo ng i-deny. Maganda ka, gwapo siya. Oh di bag-“ naputol ‘yung sinabi ko dahil bigla syang nagtanong.

“Gwapo sya?! Crush mo?” nabigla naman ako. At mas nabigla ako sa sinabi ko. Bakit ko nga ba sinabi sa kanya na nagwagwapuhan ako kay Ben? Ugh. Nakakahiya. Feel ko namumula ako. Hindi ko naman siya crush ah? Basta ba’t gwapo crush na agad? Di ba pwedeng gwapo lang talaga? I made a mental sampal sa forehead ko. Hindi ko naman pwedeng i-deny, nasabi ko na eh.

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now