*Chapter 2*

110 2 0
                                    

2

 

Alison

 

Mmm… Busog!

*barf

     Tapos na akong kumain ng lunch. Ang sarap talaga magluto ni papa. Masarap din naman luto ni mama, pero mas masarap talaga kay papa, lalo na ang Sinigang niya.

“Maliligo na ako.” Sabi ko

“Kakatapos mo lang kumain. I-digest mo muna food mo after 30 minutes, maligo ka na.” sabi ni mama.

“Ganun? Pero malapit na mag one. Di ba nagpaalam na ‘ko kahapon na may hang out kami ng barkada?”

“Oo nga. Pero mamaya ka na muna maligo. Bakit ba kasi hindi ka naligo ng maaga.”

“Eh gusto kong fresh ako kung umalis eh. Hehe.”

“Asus! May boyfriend ka na ba?” tanong ni papa.

Haha. Grabe naman tong si papa kung magtanong. Ni isang manliligaw wala eh.

“Wala naman po pa. Ikaw talaga. Haha.”

“Mabuti. Akala ko meron na. Kung sakali may manligaw, ipapunta sa bahay at ako kakausap sa kanya.”

“Pati rin naman ako, syempre.” Sabi ni kuya sabay gulo sa buhok ko.

“Hahaha. ‘tong mga ‘to talaga,” sabi ni mama. “ pero oo nga, kami muna ligawan niya bago ka noh.”

     Ang awkward naman pag-usapan to sa pamilya. Nakakahiya. Ang protective talaga ng father ko. Paano, only girl eh. Tinuturing nga akong princess eh. Hehe. I’ll always be his little girl. Kaya interrogation na magaganap if ever meron talaga.

“Oo naman noh. At saka, Hindi pa naman ako ready sa mga ganyang bagay noh” sabi ko sa kanila.

“Hahahahaha. Okay, good.” Sabi ni mama.

. “Baka mabugbog naming ‘yan ni Nate. Hahahaha. Joke lang!” sabi ni kuya with a matching peace sign. Hawak-hawak rin niya si Nate sa leeg gamit braso niya. Nakangiti sila pareho.

“Hahahahahahaha” Nagtawanan na lamang kami.

     At totoo din naman sinabi ko. Hindi pa naman talaga ako ready sa ganoong stage. Oo, hopeless romantic ako pero hanggang panaginip pa lang naman kasi eh. Siguro, crush-crush lang, pero ‘yung ganun? Naku…

     At dahil nga hopeless romantic, there are things that you see in movies na gusto mo mangyari sa pagtagpo ng iyong true love. I’ve always dreamed of life like a fairy tale. But, REALITY CHECK! Hindi naman lahat ng bagay ay puro kantahan at sayawan. Pero naniniwala ako sa Happy Ever After.

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon