Chapter 34

21 0 0
                                    

Chapter 34

FINAAAAAALS!

The school year is coming to an end and so as my mind. Joke! Grabe, super dami ng requirements at sobrang hirap ng mga pinapareview for the exams. Ang sakit na ng ulo ko kakabasa dito sa Chemistry na ’to. Hinding-hindi ko naiintindihan.

Busy na din ang mga graduating students for their pictorial for the yearbook at kung anu-ano pa. Si kuya, last exam na lang nya ngayong araw since graduating student sya pati si Nate. Ang daming taong close ko ang gagraduate.

Sina ate Rikka ay minsan lang talaga makakapagtext at mga once a week ko lang nakikita dahil sa sobrang busy. Pero si Ben, laging nagtetetext. Ewan ko ba dun. This past two weeks mula nung nagkasama kami ay nililimitahan ko ang pakikipag-usap sa kanya. Nahihiya ako eh.

Everyday sya may text ng pagbati at pagsabi ng ’God Bless’ sa exams. Nirereplyan ko naman sya pero hindi na mga long conversation. I feel sorry for doing that to him pero i guess it will be for the better.

Monday at ang unang exam na sasalubong sakin sa araw ay nakaka-ubos ng energy at pinipisa na utak ko. Bakit ba ang hirap ng Chemistry? At ang schedule pa ng exam ko ay 9 am. Ang aga, diba?

Bond the following using the Lewis Structure..

 

Ano nga ulit ang Lewis Structure? I think ito ’yung may ilalagay kang dots something sa paligid ng element. Haaay nabasa ko ’to kagabi pero sa sobrang dami kong nabasa ay nakalimutan ko na ang nabasa ko. Huhuhu. Lord, tulungan mo ako.

“Okay, time is up. Pass your papers.” Sabi ng proctor.

Grabe, isang oras na ’yun? Parang ang bilis ah. Hindi ko alam anong kinalabasan ng exam na ’yun pero sana pasado. Pero mukhang mailan-ilan lang ang sure ko na sagot. Habang ’yung iba, lalo na sa multiple choice ay kinakantahan ko na lang ng ’Eenie Minnie Miney Mo’

“Jemma ang hirap!” sabi k okay Jemma. Sabay kaming lumabas ng room matapos ipinapass ang papers.

“I know. Grabe naman ’yun.”

“Huhu. Pero sigurado akong pasado ka dun. Pero wew! Ang hirap talaga. Huhuhu.”

“Grabe naman si Ma’am makapagbigay ng test. Kasi kahit sa multiple choice, it takes a lot of time.”

“Oo nga. Sa isang number, it would take like an hour. Haaaay, how much more naman ’yung Math natin for  Thursday.”

“Yeah.  Hoho.”

“Saan ka ngayon?”

“May lakad pa ako. May bibilhin muna ako sa mall.”

“Ah okay.”

“Ikaw, asan ka ba ngayon?”

“Kakain. Hahaha.” Eh nagutom ako sa kakaisip dun sa exam na ’yun eh.

“Hahaha. Sige, kita na lang tayo bukas.”

“Sige. Bye!”

“Bye!”

Actually, magtatake out na lang ako since mag-isa na lang naman ako. Ang loner ko naman kung ako lang kakain mag-isa sa table sa canteen. Bibili na lang ako ng pagkain saka uuwi.

Nang nasa may canteen na ako, ang daming foods na mapagpipilian pero konti lang pera ko. My money is not enough to buy more than two foods here. Hehe. Isang exam lang naman kasi ako ngayong araw at doon na ako sa bahay maglulunch.

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now