Chapter 10

37 0 0
                                    

10

     Nasa simbahan na kami. Pero ang aga namin dahil konti pa ang tao. Katabi ko si Max na katabi ni Drake na katabi ni Ate Rikka. Nauna kasing pumasok at umupo si Ate at sinundan nila hanggang ako ang nasa malapit sa isle. Vacant pa yung right side ko kasi tig-five chairs. First time ko pang makakasali na wala si Logan at Amanda. Ngayon, napalitan sila nina Drake at Max. At, ngayon ko lang din napansin na sumasali silang dalawa kaya nagtanong ako.

“Kailan pa kayo sumasali dito? Di ko kasi kayo napapansin eh.” Tanong ko kay Max dahil siya katabi ko. 

“Noon pa. Kaso hindi kami masyadong nakajoin these past months dahil sa banda.”

“Eh bakit si Ben, laging nandito? Magkasama naman kayo diba?” Oo, noon ko pa nakikita si Ben pero di kami friends noon.

“Oo. Pero may isa pa kasi akong banda at kasama ko si Brad. Magpipinsan kami sa band na iyon eh.”

“Magpinsan pala kayo ni Brad?!... Ang cooool! At magpinsan pa kayo sa band,” Nagulat ako dun ah.  “So, tumutugtog kayo if ever wala sila Ben?” tanong ko. Nagnod siya. Ahh kaya pala hindi ko sila napapansin. “Anong instrument mo?”

“Drums.” Wooow! In-love na in-love talaga ako sa drums. Gustong-gusto kong matuto niyan eh. Kaya lang, guitar lang alam ko. ‘yung basic pa. huhu.

“Woooow! Gusto ko ng drums wala nga lang magturo at ang mahal-mahal bilhin ang isang set.” Sabi ko at nag pout.

“Haha. Talaga?”

Nagnod ako at biglang may nagtanong sa likuran ko,

“Sinong in love?” medyo mahina nga lng hindi ko masyadong naintindihan. Tumalikod ako at nakita si Ben. Umupo sya sa tabi ko.

“Patabi ha?” sabi niya at nagnod naman ako.

“Gusto mong turuan kita?” tanong ni Max.

“Weeh?! Seryoso? Pero feel ko ang hirap pag-aralan ‘yan.”

“Anong ituturo mo?” tanong ni Ben sa kay Max.

“Drums, pre. Gusto raw kasi niyang matuto eh.”

[Ben’s POV]

     Drums? Marunong din naman ako ah. Itong si Max, nakakailan na ‘to ngayong araw kay Ali. Kakakilala pa nga lang nila eh. Si Ali naman gumaan agad feeling kay Max.

“Ahh… Drums? M-maganda talaga pag-aralan yan.”

“Oo nga pala, marunong din si Ben sa drums.”

“Talaga?” tanong ni Ali.

     Nag-OO kaming dalawa ni Max. Oo alam din naman ni Max eh diba banda kami? Kaya lang minsan lang ako nakakapagdrums. Vocals kasi mostly ako eh. “Ang cool naman! Dami mong alam na patugtugin!” sabi ni Ali.

     Ewan ko ba, nacucute-tan ako sa babaeng ito. Ano ba Ben! Ayan, naamin ko tuloy sa sarili ko na cute talaga itong si Ali. Hindi lang height niya ang cute pero lahat. Pero hindi naman siya sobrang liit noh, mas marami pang mas maliliit na classmates ko na kaedad ko mas short sa kanya. HAHAHA. Oo nga pala, ilang taon na ba siya? Ay ewan! Ba’t ba yan iniisip ko eh nag-uusap kami.

“Alam mo, tuturuan ka namin. Diba Ben?” sabi ni Max.

“H-ha?” Ayan, kung anu-ano kasi iniisip. “Ahh… o-oo. Oo.” Sabi ko. Natuwa naman si Ali at nagsmile ng napakalaki na parang bata na binigyan ng lollipop. HAANG-KYUUUUUT!

“Ali, magpaalam ka sa parents mo about this Thursday ha.” sabi ni Max.

“Ahh… Oo. Oo. Pwede bang isama sina Logan? If ever payagan ako.” Sabi ni Ali.

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu