Chapter 18

29 0 0
                                    

Chapter 18

“Okay class, be sure that you’ve secured your permits for the prelim exam.” Sabi ni Ma’am.

Haaaay exam na naman.Kailangan ko na ulit magbayad at pumila. Ang taas kasi ng linya before and during exam week. Kailangan kong gumising ng maaga para makakuha ako ng priority number.

Umalis na kami at lumipat ng ibang room. Pagkatapos ng klase ko ay nagkita kami ni Logan.

“Ali, may mild fever si Amanda ngayon kaya puntahan ko muna.”

“Ganun ba? Pakisabi na kunin si Wilson. Hehe.”

“Anong ibig mong sabihin?” Hindi nya gets. Waley na tuloy ako.

“Basta sabihin mo na lang sa kanya. Maintindihan nya yun. Di tulad sayo. Hahahahaha.”

“Ali naman! Sino ba yan si Wilson at kukunin nya? May iba na ba sya?”

“PFFFF….HAHAHAHAHAHA. Kakatuwa ka bespren! Hahaha Bye! Sabihan mo sya ha.” Umalis na agad ako papuntang sakayan ng jeep. Confused pa din yung mukha ni Logan. Hahahaha. Gets nyo naman joke ko diba? Okay sige, ako na ang pinakacorny.

Naku… Ba’t ngayon pa umulan? Wala akong payong na dala. Nagmamadali na kasi ako kanina. Haaaay. Nagjoke lang ako, umulan na? ganun ba ka panget joke ko na pati langit naiiyak? Huhu.

Dumito muna ako sa school gate maghintay until the rain stops. Sana tumigil na ito o kaya ay humina. Kung hindi ito hihina after 30 minuntes, lulusubin ko ang ulan. Ang sarap kayang maglaro sa ulan.

30 minutes have come and gone. Wala eh. Lusob na! I secured my cellphone (wrapped it in cellophane). Pero hindi naman ako lumusob agad-agad dahil may nagpull sa braso ko. It was Max kasama si Ben.

“Oy Ali, anong gagawin mo?” tanong ni Max.

“Lulusong sa ulan. Hehehe.”

“Hintayin mo na lang ang jeep. Ang layo kaya ng bahay nyo.” Sabi naman ni Ben. “S-sabay na lang tayong uuwi, pero hindi ko dala ang kotse kasi nasa kay ate.”

“Ahh… Ehh… Sige.”

“Ben! Sabay na tayo. I have an umbrella.” Sabi ng isang girl na biglang sumulpot. Sino sya?

“Thanks but no thanks. May kasabay na ako eh.”

“Who?”

“Si Ali,” turo ni Ben sa akin. “Ali, Max, si Ariana pala. Ariana, si Max at Ali.”

“Oh. Hi Ali,” Ang plain ng paggreet nya sakin. Anong problema ng babaeng ito? “Hi, Max!” iba naman tono nya kay Max. Nagsmile na lang kami ni Max sa kanya.

“Ali, okay lang bang sabay na ako sa inyong umuwi?” tanong ni Ariana.

“Okay lang naman.”

“Yey! Thanks! Tara na Ben.” Hinila nya si Ben. Nagtinginan kami ni Max at tumawa. May ganun pa palang babae? Napaka-attached nga naman nya kay Ben.

“Teka lang Yan, si Ali oh.”sabi ni Ben.

“Uhmm… Max, sige alis na ako, ay kami pala. Hehehe.” Sabi ko kay Max.

“Pasensya na Ali, hindi kita masasamahan ngayon at wala din akong payong. Gusto sana kitang samahan. Tiisin mo na lang yung babaeng yun, sya pala ang kapitbahay na tinutukoy ni Ben na may gusto sa kanya na minsan ay super feeling close. Hahaha.”

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now