*Chapter 4*

72 2 0
                                    

4

Logan

Sige, samahan mo akong mamili ha :)  - Amanda

 

Oo nga. Syempre naman noh. Pero hindi naman ako marunong niyan, pambabae kaya ‘yang mga gawain na ‘yan.   -Logan

 

Pero syempre kailangan ko opinion mo noh? Sige na, dodong Logan :D Isama na din natin si Alison. - Amanda

 

Oo na nga. Itext mo na siya. Kayo lang magkakaintindihan sa mga bagay na ‘yan.  –Logan

 

Yeps. Salamat! :*   -Amanda

 

Okay. Mamaya pagkatapos ng klase. Tawagan kita :*   -Logan

 

     Ito talaga si Inday Amanda ko, nagpapasama sa paghahanap ng dress niyang susuotin para sa Acquaintance Party ng Dance Troupe. Siyempre sasamahan ko siya para makita ko maganda niyang mukha na nakasuot ng dress. Hindi naman sa hindi ko siya nakikita hindi ng di-dress pero sa mas lalo siyang gumaganda.

     Last subject ko na ‘tong Filipino sa araw na ito. Pagkatapos ay lumakad na kami sa mga boutique para maghanap ng dress na susuotin ni Amanda.

“Okay class, dito nagtatapos ang aralin natin ngayong araw. Maari na kayong umalis.”

Tapos na ang klase.

“Tara na, Log.” Sabi ni BJ.

     Lumakad na kami pababa ng building. Kasama ko si BJ dahil block mate kami. ‘Yung English at dalawang majors lang na subject ‘di kami magkaklase. One year ahead pala siya pero nagsabay kaming nagpaenrol kaya gumaya na ‘ko sa sched niya. Haha.

“May lakad ka?” tanong ni BJ.

“Oo pre, samahan ko muna si Amanda para mamili ng damit na susuotin niya sa party nila.”

“Ahh.. Kaya pala busy ka sa kakatext habang nasa klase. Haha”

“Halata ba? Hahaha.”

“Oo noh. Hahaha,”

Sa ‘di kalayuan, nakita namin si Alison sa may canteen bumibili sa Waffle Time.

“Kasama si Alison?” tanong ni BJ.

“Oo, sabi ni Amanda. Para naman may kaintindihan siya sa pagpili. Pero ewan ko lang, ‘di ko pa nakikita ‘yang si Alison na naka-dress. Pero hindi naman siya tomboy. Mahilig lang talaga siyang magjeans at shirt”

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now