Chapter 14

31 1 0
                                    

14

“Andito na pala sila Ali. Tara na?” sabi ni Drake.

“Wait, hindi tayo kasya sa sasakyan ni Ben.” Sabi ni Ate Rikka.

“May dala naman ako, dun nalang yung dalawa sa amin at ang tatlo kay Ben.” Sabi ni Logan.

“So, kami ni Ali kasama sa sasakyan ni Ben kasama si…” pag-iisip ni Ate Rikka.

“Ako.” Sabi ni Max.

“O sige. Total, magkakilala naman kami ni Drake at Lloyd. Okay lang ba Amanda? Para din naman malaman namin ang direksyon.” sabi ni Logan.

“Oo naman.” Sagot ni Amanda.

“Halika na, Ali.” Pagyaya ni Ate Rikka. Nagnod na din ako. Pumasok na din sa loob sina Logan sa kanyang sasakyan, kami rin.

“Oy Max, dun ka sa harapan. Magtatabi kami ni Ali. Alis!” pabirong sabi ni Ate Rikka. Tumawa na lang din ako. Nakakatuwa itong dalawa. Magkatabi kami ngayon ni Ate Rikka sa passenger seat. Siya ay sa may right ako naman sa left.

“Hahaha. Iba ka talaga. Haha.” Sabi ko.

“Tara na?” tanong ni Ben.

“Okay na. Sige, go!” sabi ni Ate Rikka.

     Mahaba-haba din yung byahe kaya nagkukwentuhan at nagtatawanan kami sa kung anu-anong topic na pumasok sa isip.

***

[Ben’s POV]

     Nakikita ko si Ali mula sa rearview mirror na laging naka smile at tumatawa. Pano ba naman kasi itong si Rikka at Max, nag-uusap at nagtatalo. Kwento naman ng kwento si Rikka.

“Oy Max ikaw talaga. Haha. Kawawa naman si Ate Rikka oh” Sabi ni Ali.

“Eh kasi naman itong sina Rikka at Drake hindi na lang nagsasabi ng totoo. Hahaha.”

“Anong totoo?” tanong ko.

“Na sila na. Hahahahaha.” Binatukan sya ni Rikka. Haha.

“Oy hindi naman talaga ah. Naku, wag kayong maniwala dyan.”

“Bakit magkasama kayo kahapon sa Starbucks?” tanong ni Max na may malaking grin sa mukha at biglang namula naman si Rikka.

“Oy… eh, a-ano naman ngayon? Bawal ba kami magsama as friends? hindi naman diba?”

“Hahahaha”

“Ito kayang si Ben tanungin mo sa lovelife, ‘wag ako noh.”

Eh ,ba’t sa akin papunta ang usapan? Dinadamay pa talaga nila ako ah.

“Oy, anong ako? Tahimik nga lang ako dito.” Sabi ko.

“Isa ka pa Ben. If I know may crush ka. O baka naman girlfriend? Hahahaha” sabi ni Rikka.

“Anong pinagsasabi mo dyan? Wala kaya noh.”

“Eh, sino nga crush mo? Magtapat ka nga. Haha”

Tinignan ko sya ng masama sa mirror at tumingin kay Ali na naka smile sa ginawa ni Rikka. Si Max naman tumatawa. Aba, ba’t ba ako ang nasa hot seat na naman ngayon?

“Pft.” Yan lang ang nasabi ko. Eh, ano ba dapat? Di pa naman ako siguro noh.

“Ba’t ayaw mong sabihin? Crush lang naman eh. Nahihiya ka ba dahil nandito sya? Hahaha.” tanong ni Max. Ano? Anong ibig nyang sabihin? Ibang klase din ito ah. Pero, if andito nga…

Teka, bakit naman nya nasabing may gusto ako kay Rikka? O baka naman si… Ali. Tinignan ko reaction ng dalawa sa mirror. Si Rikka, laki ng grin. Si Ali, parang confused yung mukha parang bata. Hahaha. Ang kyuuut!

Jump Then Fall (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now