Part 26- The Fighting Spirit

56 0 0
                                    

Chino's POV

Pag uwi niya sa bahay ay wala na duon si Lorraine. Sinabi ng Kuya Lawrence na nag punta daw ito kila Jean na may dala dalang maleta. Nang puntahan niya naman ito duon ay malamig ang pag tanggap sa kanya ni Jean at sinabi nito na nag papahinga na daw si Lorraine. Kaya umuwi na lang ulit siya at pinlano niyang bumalik na lang kinabukasan.

Nang bumalik siya kinaumagahan ay umalis daw ang mga ito at hindi daw nila alam kung saan pupunta.

Lorraine's POV

Nag grocery sila para sa kanilang mini get away ni Jean. Pinuno niya ang cart ng mga gusto niyang kainin.

"Ang dami naman niyan sabi ko sa'yo bibili lang tayo ng kakainin natin sa daan"

"Hindi ako makapili kung ano ang gusto ko talaga, kaya lahat ng klase kinuha ko na"

Nang nakapila na sila sa bayaran ay dali daling lumapit sa kanya si Jean. "Napaka liit talaga ng mundo" Ininguso nito si Therese na may tulak tulak ding push cart at papalapit sa kanila.

Tinapatan sila nito. "Balita ko nilayasan mo na si Chino ah" Sabi nito sa kanya. "Good decision, tutal sa akin din naman siya mauuuwi"

"Alam mo ayaw talaga kitang patulan eh kaya wag mo akong pilitin" Sabi niya dito.

"Ito namang kasing si Chino napaka ma prinsipyo. Dahil sa ipinangako sa magulang mo kahit gusto ka na niyang hiwalayan at sumama sa akin ay hindi niya magawa. Gusto niya pa ring tuparin ang mga sinabi niya"

"Hoy Therese, Kung alam mo lang gusto kitang tirisin ngayon na" Sabi ni Jean dito.

"Wag ka ngang makialam dito tabachoy" Sabi nito kay Jean.

"Aba wag mo akong susubukan at kayang kaya kong takungin yang pag mumukha mo" Sabi ni Jean na hinubad pa ang sapatos na suot.

"Ito lang ang masasabi ko sa'yo Lorraine wag mo ng isipin pang bumalik kay Chino at pag lalaruan ka lang niya. Paiikutin sa mga kamay niya at pagka ayaw na iiwan ka lang niyang luhaan"

"Tapos kana?" Tanong niya dito.

"Oo, bakit?.." Hindi nito natapos ang sasabihin dahil nakuha niya ang sapatos sa kamay ni Jean at isinampal niya kay Therese.

Hinawakan nito ang mukha na namaga agad. Humarang naman si Jean para hindi ito maka ganti sa kanya.

"Pag binalikan mo si Chino mag papaka tanga ka lang dahil kahit na anong mangyari kahati mo ako pati na rin ang magiging anak namin. Sasabihin ko sa kanya ang ginawa mo sa akin" Matapang na sabi nito sa kanya.

"Eh di sabihin mo, gusto mo samahan pa kita. Tanga na kung tanga pero ako makakasama ako ni Chino habang buhay pero ikaw kabit habang buhay" Sabi niya na binato pa ito ng chichirya sa mukha.

Hindi nag tagal ay may pumagitnang mga gwardiya sa kanila. Hindi na nila nagawang bayaran ang mga pinamili nila dahil hinatak na din siya ni Jean na lumabas.

Pagdating sa sasakyan ay nagka tinginan sila at nagka tawanan. Nang matapos silang tumawa ay hindi niya namalayan na tumutulo naman ang kanyang mga luha.

"Kaya mo pa ba?" Sabi ni Jean sa kanya.

"Hindi ako bibitiw ng ganun na lang. Ano akala niya ipapaubaya ko sa kanya si Chino ng walang laban"

"Napatikim mo naman siya ng swelas ng sapatos ko eh" Sabi ni Jean na nakapagpa tawa ulit sa kanya.

"Tara na para hindi tayo tanghaliin" Sabi ni Jean sa boyfriend nitong si Leo na pinakiusapan nila na samahan sila at nag simula na nga nitong paandarin ang Van na sinasakyan nila.

Makalipas ang traffic at ilang stop over ay nakarating na din sila sa kanilang destinasyon. Ang Baguio.

Nagulat ang Tatay at Nanay ni Chino sa hindi inaasahan pag dating nila. Nag tataka man ay masasaya naman ang mga ito na winelcome sila.

"Baka gusto niyo nang magpahinga muna. Malayo layo din ang binyahe niyo" Sabi ng matandang lalaki.

"Iwan na po muna namin sa inyo si Lorraine. Meron na po kasi kaming naka usap na tutuluyan" Sabi ni Jean na nag paalam na din sa kanya. "Tawagan mo na lang ako kung magpapa sundo ka ha"

"Thank you" Sabi niya dito.

Nang makaalis ang mga kasama niya ay hinarap niya ang mga sinadya. "Nanay at Tatay meron po akong good at bad news para sa inyo. Ano po ang gusto niyong unahin ko?" Panimula niya sa pagku kwento hanggat maaari ay gusto niyang pagaanin ang pagku kwento.

Sinabi niya muna sa mga ito na buntis na siya at ang mga detalye tungkol sa kasal. Masayang masaya naman ang mga ito para sa magiging anak niya ngunit nang ikinuwento niya na ang tungkol kay Therese at ang pag loloko ni Chino ay hindi niya na napigilan ang maiyak. Hindi rin naman napigilan ng matandang lalaki na mapa mura.

"Tawagan mo nga ang tarantadong Chino na yon" Sabi nito sa asawa. "Hindi natin siya pinalaki ng ganyan"

Nilapitan niya ang Tatay at hinimas sa likod. Natakot kasi siya na sa sobrang galit na nakikita niya dito ay baka atakihin ito sa puso. "Wala na po kasi akong mapag sabihan. Kung sasabihin ko po kila Kuya baka pag hiwalayin po kami ni Chino ayoko naman pong mangyari yon ang gusto ko lang po ay wag na siyang makipag kita kay Therese kahit sustentuhan na lang namin ang bata"

"Hindi rin alam ng kumare ko na buntis si Therese. Wala itong nabanggit dahil nagkita pa kami kahapon" Lumuluha ding sabi ng Nanay. "Kahit ba si Carmen hindi alam?" .

"Alam lang po niya na pinag seselosan ko si Therese pero ang ibang detalye hindi niya na po alam"

"Tawagan mo si Chino at pag nagkita kamo kami ay lulumpuhin ko siya" Galit pa ring sabi ng Tatay.

Nang gabi na yun ay natulog siya sa dating kwarto ni Chino. Nagising siya sa dampi ng halik sa kanyang labi at nakita niya si Chino na nakangiti sa kanya. Pag bangon niya ay sinampal niya ito.

"Nananakit ka nanaman ha"

"Ano nginingiti ngiti mo diyan?" Sabi niya pagka bangon.

"Buntis ka daw sabi ng Nanay?" Sabi nito. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Eh diba ayaw mo na mag buntis ako"

"Hindi ko sinabi na ayaw ko ang sinabi ko pag planuhan natin. Pero dahil buntis kana at magiging Tatay na ako dapat icelebrate natin yan"

"Icinelebrate mo rin ba ang anak mo kay Therese?"

"Ano yung sinasabi mong anak ko kay Therese? Nagkakamali ka. Sinabi na sa akin ni Nanay at nila Jean ang lahat ng nangyari. Nang tumawag sa akin si Nanay kagabi ay bumyahe ako agad dito wala pa nga akong tulog. Pinag mumura pa ako ni Tatay kanina" Paawang sabi nito.

"Mabuti nga sa'yo. Kasi nga diba sinamahan mo pang mag pa check up yung babae na yun tapos hinahatiran mo pa siya ng pagkain akala mo hindi ko alam na dinadalaw mo siya sa boarding house niya"

"Hindi ko ginagawa yun dahil sa anak ko ang ipinag bubuntis niya. Iniwan siya nung Professor na naka buntis sa kanya eh natatakot na umuwi sa kanila at ipag tapat na buntis siya kaya tinutulungan ko lang siya"

"Bakit mo itinago sa akin yung pag tulong mo sa kanya?"

"Nangako kasi ako sa'yo na hindi na ako makikipag kita sa kanya pero may pangako din ako sa kanya na tutulungan ko siya. Sabi ko naman sa'yo parang kapatid ang turing ko dun"

"Pwes, sabi ko din sa'yo na hindi kapatid ang turing niya sa'yo. Sinabi ba sa'yo ni Jean kung ano ang mga sinabi sa akin ng malanding babae na yun?"

"Oo alam ko na lahat pati ang pag halik ni Therese sa talampakan ng sapatos ni Jean"

"At pag nakita ko ulit yun ay hindi lang yun ang aabutin niya sa akin"

"Hindi mo na makikita yun at sinundo na nang mga magulang niya sa Manila kaya ikaw sumama kana sa akin at iuuwi na kita"

"Bago ako sumama sa'yo. Wala ka na bang inililihim sa akin? Baka mamaya may kahati pala ako sa'yo"

"Wala kang kahati sa akin dahil ikaw lang ang kaisa isa kong minahal mula nuon hanggang ngayon pero inililihim meron pang isa"

Something bad turns great [completed]Where stories live. Discover now