Part 5- Friendly Neighborhood

74 1 0
                                    

"Kelan ka pa dumating?" Sabi ng kaibigan niyang si Jean.

"Kagabi lang, eto nga pala ang mga pasalubong ko sa'yo" Iniabot niya dito ang isang Paper bag na nag lalaman ng kung ano ano.

"Wow, you don't have to but thanks anyway" Sabi nito. "Teka bakit ba ang tamlay mo?"

"Wala lang"

"Jet log pa siguro yan" Nag bukas ito ng isang chocolate at kumain bago nag salita ulit. "Ano na balita sa'yo? nakakapanibago ka naman ang tahi-tahimik mo"

Ka batch niya simula nuong elementary si Jean at naging ka close niya lang ito dahil palagi silang nagkaka tabi sa School bus. Limang bahay lang ang pagitan nila sa isa't isa at ito ang maituturimg niyang pinaka malapit sa kanya maliban sa kanyang Kuya Lawrence.

"Have you heard that Kuya Lawrence is getting married?"

"Yup. Yun nga din ang sasabihin ko sa'yo pag nagkakausap tayo online kaya lang ayoko naman pangunahan ang kuya mo"

"With Carmen" Sabi niya na umikot pa ang mga mata.

"What's wrong with that? Mabait naman siya at alam mo yan"

"Iniisip ko kasi baka may motibo siyang hindi maganda kay Kuya. Maybe I don't know her too well"

"Naku ha anong movie naman ang nag influence sa'yo niyan o kaya novel" Natatawang sabi nito. "Ang sabihin mo nag seselos ka lang"

"Pati ba naman ikaw hindi ko na kakampi?" Inis na sabi niya.

"Siyempre kakampi" Sabi nito. "Bakit ba kasi ayaw mo kay Ate Carmen? dahil ba sa yaya mo lang siya dati?"

"Hindi naman sa ganun pero feeling ko kasi na traydor ako. Ibig sabihin nuon pa man ay nagkaka intindihan na sila ni Kuya at wala akong kamalay malay. Tapos dahil sa kanya ayaw na ni Kuya manirahan sa Amerika. At isa pa, pati yun kapatid niyang si Chino sa amin na naka tira ibig sabihin si Kuya din ang nag papaaral dun hindi ba parang inaabuso naman na nila si Kuya"

"Matanda naman na yang Kuya mo alam na niya ang kanyang ginagawa. Gwapo yang si Chino ha. Nakikita ko na nuon yan tuwing mag babakasyon sa inyo nakakalaro pa natin nuon yun diba? hindi ko akalain na gugwapo ng ganun"

"He' s not that handsome"

"Oh common Lorraine, I still know your taste" Sabi nito na sinundot siya sa tagiliran at gumanti din siya ng kiliti dito.

Chino's POV

Saan kaya nag punta ang babae na yun? Galing na ako sa club house, sa Park pati sa guard house ng village nakapag tanong na ako wala naman daw silang nakitang babaeng lumabas na nag lalakad na naaayon sa deskripsyon ko.

Papauwi na siya ng makarinig siya ng nagtitilian at nag tatawanan sa hindi kalayuan. Bakit ba hindi ko naisip na pupunta yun kila Jean. Hay pahirap talaga itong babae na ito.

Sumilip siya sa may bakod at nakita niya ang dalawang babae na naka higa sa bermuda grass habang nag tatawanan.

Pinindot niya ang door bell at hindi nag tagal ay binuksan ng dalawa ang gate.

"Bakit?" Nakapamewang na sabi sa kanya ni Lorraine.

"Kanina ka pa pinapa hanap ni Kuya Lawrence"

"Susunod na ako" Mataray na sabi nito.

"Kailangan kasama na kitang uuwi, pinahirapan mo ako sa pag hahanap sa'yo"

"Sige na Lorraine umuwi ka na muna" Sabi ni Jean dito.

Humalik muna ito sa kaibigan bago lumabas ng gate.

"Bakit naman ako pinapahanap ni Kuya?" Sabi nito habang sabay silang nag lalakad.

"May pinapa gawa daw siya sa iyo na hindi mo pa nagagawa"

"Sabihin mo sa kanya ayoko pang umuwi" Sabi nito na huminto sa pag lalakad at aktong babalik sa bahay nila Jean.

"Ooopps teka, kanina pa kita hinahanap tapos di ka din naman pala sasama sa akin" Sabi niya na pinigilan ito sa braso. "May atraso ka pa sa amin"

" I didn't do anything wrong" Sabi nito na hindi naman tinanggal ang pagkaka hawak ko sa braso niya.

"Hinulog mo sa swimming pool ang Ate ko"

"Hindi ko sinasadya yun"

"Sumama ka na sa akin pauwi kung hindi ka guilty"

Something bad turns great [completed]Where stories live. Discover now