Part 19- Love and Harmony

48 0 0
                                    

Lorraine's POV

Alas diyes na ng umaga siya umuwi ng bahay para maka sigurado na wala na sa bahay si Chino dahil ayaw niya itong makita pero napansin niya na nasa garahe pa ang kotse nito. Hindi naman siya maka alis ulit dahil nakita na siya ni Carmen.

"Good morning Lorraine" Sabi nito habang nag didilig ng halaman. "Napa sarap ata kayo ng kwentuhan ni Jean kagabi"

"Oo nga kaya duon niya na ako pinatulog" Pag sisinungaling niya.

"May problema nanaman ba tayo Lorraine? Tungkol ba ito sa pag bubuntis ko"

"Hindi" Sabi niya agad. "Pamangkin ko ang dinadala mo at wala akong problema don"

"Bakit namumugto ang mata mo"

"Napuyat lang ako" Sabi niya na nag tuloy tuloy ng pumasok sa loob ng bahay.

Dahan dahan siyang pumasok ng kwarto nang makita niyang tulog pa si Chino. Dumeretso siya sa banyo para maligo at mag ayos para sa pag pasok niya sa eskwelahan.

Pag labas niya ay nagulat pa siya at naka tayo na ito sa harap niya.

"Hindi mo ako pinatulog kagabi" Sabi nito sa kanya. "Bakit ba bigla kang umalis?"

"Wala" Sabi niya na sinusuklay ang basang buhok.

"Dahil ba ito sa announcement nila Ate?"

"Yan ba talaga ang iniisip niyo sa akin? Na pati ang sarili kong pamangkin pag seselosan ko"

"Bakit ka nga hindi umuwi kagabi? Hindi ko kayang basahin ang isip mo Lorraine" Naiirita ng sabi nito.

"Ikaw bakit ka umuwi kagabi?" Balik niyang tanong dito.

"Ano bang tanong yan. Natural uuwi ako. Dito ako nakatira eh"

"Akala ko sumama ka na sa Therese mo eh"

"Yun ba ang pinag kaka ganyan mo?"

Naiyak siya sa inis dito. "You're such a flirt" Sigaw niya kay Chino. "Nag susubuan pa kayo nung babae na yun tapos nakita ko na isinakay mo siya sa kotse mo. Natanaw ko kayo mula sa bintana ng kwarto ni Jean"

"Inihatid ko lang si Therese"

"Bakit hindi mo sa driver ipinahatid?"

"Kelan mo ako nakitang nag utos sa kahit na sinong nandito?"

"Ang sabihin mo gusto mong ihatid yung babae na yun" Pinahid niya ang luha at kinuha ang bag.

"Saan ka pupunta?Tapos na ang pasok mo kanina pang alas siyete dapat ang pasok mo ah"

"Sa School na lang ako tatambay. Malay mo duon may makita pa akong lalaki na seseryosohin ako" Sabi niya na tumayo.

"Lorraine" Sabi nito na inakap siya. "Wag mo nang pag selosan si Therese"

"Hindi ito selos lang"

"Ikaw ang Mahal ko"

"Mahal mo ako?"

"Oo naman. Bakit hindi mo ba alam?" Sabi nito.

"Ngayon mo lang kasi sinabi sa akin yan"

"Hindi pa ba obvious?"

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

"Promise me na hindi ka na makikipag kita sa babae na yun"

"Oo na po" Sabi nito na ikinandong siya. "Hindi mo ako pinatulog kagabi. Akala ko iniwan mo na ako"

"Ikaw kasi hindi mo na ako pinansin kagabi"

Something bad turns great [completed]Where stories live. Discover now