Part 12- The Return

45 0 0
                                    

Lorraine's POV

Nagising sila sa katok sa Pinto. Pupungas pungas na bumangon si Chino para buksan ang pinto. Pag bukas na pag bukas nito ng pinto ay bumalandra si Chino. Nakita niya ang galit sa mukha ng Kuya niya matapos nitong suntukin si Chino.

Nilapitan ito ng Ate niya. "Halika muna Chino at mag uusap tayo" Sabi ni Carmen na inalalayan ito palabas ng kwarto niya.

Nang sila na lang dalawang mag kapatid ay umupo ang Kuya niya sa gilid ng kama. " Anong ginawa mo Lorraine? Sinira mo ang kinabukasan mo"

Hindi siya kumibo.

"Bakit mo ito ginawa?"

"For once Kuya I made my own decision"

"You are too young at si Chino he's only 21 years old" Galit na sabi nito. "Pupunta ka ng Amerika at itutuloy mo ang buhay mo doon"

"Hindi, I will stay here" Sigaw niya din dito. " Kahit ano ang gawin mo hindi mo ako mapipilit"

"Doon mo itutuloy ang pag aaral mo"

"Don't treat me like a kid Kuya" Lumuluha ng sabi niya. "You can make decision for me pero pag sa'yo etchepwera ako. You are unfair"

"Sisirain mo ang buhay mo. May magandang kinabukasan na nag hihintay sa'yo duon"

"I will prove to you na hindi ako nagka mali ng desisyon na mag stay dito. Kuya just let me live my life the way I want it. Stop manipulating me. You've been doing that all my life"

"Yan pala ang tingin mo sa pag aalagang ginawa ko sa'yo"

"Oo kayo nila Daddy at Mommy. Ipinadala mo ako sa mga magulang natin who are strangers to me and then you expect me to be happy in America"

"Babalik ka ng Amerika" Sabi nito na lumabas ng kwarto at padabog na isinara ang pinto.

"No" Sigaw niya din dito.

Something bad turns great [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon