Part 2- Philippines, Almeda's Residence

82 1 0
                                    

"Hi Lorraine, how are you?" Sabi ng Kuya niya na sinalubong siya ng yakap pag pasok na pagpasok nila ng bahay. "I miss you so much" Hinalikan pa siya nito sa pisngi. "Buti naka sama ka akala ko matitiis mo na ako eh sabi nila Daddy ayaw mo daw umuwi"

"Do I have a choice" Sabi niya sabay irap.

"Naku anak, napagod lang yan sa biyahe" Sabi naman ng kanyang Mommy.

"Nasaan nga pala si Carmen anak?" Sabi ng Daddy niya.

"She's in the kitchen nagluluto po ng hapunan niyo"

"Oh yeah where are the maids?" Mataray na sabi niya. "I want to rest and I want my luggages in my room now"

Pumasok sa pinto ang isang lalaki na hila hila ang kanilang mga gamit. Hindi niya makakalimutan ang pamilyar na mukhang iyon.

"Ito nga po pala si Chino kapatid ni Carmen" Pagpapakilala dito ng kanyang Kuya.

Ito ang kababata niyang si Chino na madalas na dinadala sa kanila ni Carmen at nakaka laro niya din nuon tuwing summer vacation.

Nag mano ito sa kanyang mga Magulang bago nag paalam na iaakyat na nito ang mga bagahe nila.

Sinundan niya ito sa pag akyat habang iniwan niya ang kanyang kuya at mga magulang niya na nagku kwentuhan sa living area.

"Please handle it with care" Maarte niyang sabi. "Can't you see they are signature luggages"

"Kumusta ka na Lorraine? Ang tagal mo ring nawala buti naka uwi ka" Sabi nito na tila hindi nadinig ang sinabi niya.

"I'm tired, I have no time to talk" Sabi niya na inunahan na ito sa kanyang kwarto.

Chino's POV

Ano ba yan naka ilang taon lang sa Amerika kala mo hindi na makapag tagalog pero lalo siyang gumanda at pumuti.

Inilagay niya lang ang mga gamit nito sa loob ng kwarto at lumabas na at pinuntahan niya ang kanyang Ate sa kusina.

"Ate andyan na sila"

"Oo nga eh tatapusin ko na ito" Sabi nito na inilagay ang niluto sa dining table.

"Nakita ko si Lorraine, ang ganda niya Ate kala mo artista walang sinabi si Lucy Torres"

"Ay talaga andiyan na si Rainne. Hay namiss ko ang batang yon" Nakangiting sabi ng kanyang Ate.

Something bad turns great [completed]Where stories live. Discover now