Epilogue

55 0 0
                                    

Natuloy ang kanilang kasal ng June na ginawa sa garden ng mga Almeda. Nag suot lang siya ng white long dress at si Chino naman ay gwapong gwapo sa suot nitong polo. Isang simpleng kasalan lang ang naganap at ang mga malalapit na kaibigan at kamag anak ang dumating. Mas pinili nila ang simpleng kasal dahil gusto nilang pag handaan ang kanyang panganganak. Dumating din ang kanyang Mommy at Daddy. At masasabi niya na isa ito sa pinaka masayang nangyari sa buhay niya.

Kahit malaki ang kanyang tiyan ay hindi siya nag hinto nang pag aaral kahit ng manganak siya ay salitan sila ni Chino sa pag babantay sa kanilang anak. Lumipas ang mga taon at naka graduate siya tapos ay kumuha siya ng licensure exam at nang makapasa ay nabuntis nanaman siya sa kanilang pangalawang anak.

Alam niya na hindi naging madali ang kanyang naging buhay pag ibig dahil sa nagsama muna sila ni Chino bago naging mag boyfriend, nag buntis bago ikinasal at ikinasal muna at nanganak bago nag tapos ng pag aaral. Pero sa lahat ng iyon ay wala siyang pinag sisisihan dahil naging maswerte siya at mabuting tao ang katuwang niya sa buhay at masaya siya sa piling nito kahit hindi na siya prinsesa ay ginawa naman siya nitong reyna sa bahay at puso nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Something bad turns great [completed]Where stories live. Discover now