Part 27 - Another Begginings

47 0 0
                                    

Nang pag balik nila sa Manila ay dumiretso sila sa kanilang bagong bahay.

Binuhat siya ni Chino na ipinasok sa bahay. "Ito ang isa ko pang secret sa'yo. Ito ang pinag kakaabalahan ko kaya palagi ako busy. Kuminsan ay dito na ako nakaka tulog sa pagmo monitor sa mga gumagawa"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Sabi niya na inikot ang mata sa paligid.

"Gusto kitang sorpresahin"

"Maganda"

"Alam ko na hindi ito kasing laki ng bahay na kinalakihan mo at simple lang ito pero pinag hirapan ko ito ha"

"Bakit hindi naman kita pinag hahanapan kahit kailan ah" Sabi niya dito. "Kaya kong mawala lahat ng luho basta ikaw ang kasama ko" Mataray na tono ng pag sasalita niya.

"Kababati lang natin umiinit nanaman ang ulo mo"

"Nang minahal kita. Minahal kita ng buong buo hindi ko tiningnan ang katayuan mo sa buhay"

"Akala ko kasi nung una ginamit mo lang ako para makapag rebelde" Sabi nito. "Dahil sa mahal naman kita nuon pa nagpa gamit naman ako"

"Hindi mo ba alam na nuon pa din kita mahal at ng maka kuha ako ng pagkaka taon hindi na kita pinakawalan" Pag tatapat niya dito. "Aaminin ko nuong una naging childish ako. Nang mag asawa si Kuya iniisip ko na mag isa na lang ako at nag selos ako kay Ate Carmen pero ng makasama kita nagkaroon ako ng kakampi at mag aalaga sa akin"

"May pinag sisisihan ka ba?"

"Sana nuong simula pa lang ay nasabi ko sa'yo lahat ng bigat na dinadala ko para hindi ko na dinanas ang sama ng loob ng dahil sa Therese na yon"

Inakap siya nito. "Alam mo ang dami ko din natutuhan sa'yo dahil sa totoo lang hindi ka childish. Nagka taon lang na alam mo lang kung ano ang mga gusto mo at gagawin mo ang lahat para makuha yon kahit na ikaw pa mismo ang masaktan"

Something bad turns great [completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu