Part 24- The Plan

42 0 0
                                    

Tuwing dumadating si Chino ay dumideretso ito sa kwarto nila kahit na duon ito natutulog sa dati nitong kwarto dahil ang mga gamit nito ay nandun pa din. Pag uwi niya sa bahay ay wala pa ito kaya ni ready niya na ang bath tub, pinuno niya iyon ng tubig, nilagyan ng bath salt at bubble soap. Nag sindi din siya ng ilang kandila.

Kung may mangyayari sa amin ngayong gabi dapat ay nakaligo muna siya. Paano kung galing pala siya duon sa malanding Therese na yon. Sabi niya sa sarili.

Tinanggal niya ang lahat ng suot at nag wisik siya ng pabango saka niya sinuot ang bath robe niya. nag hintay siya ng ilang oras ngunit hindi pa din ito dumadating.

Bumaba siya sa sala at naabutan niya na kumukuha ang Kuya niya ng gatas sa fridge.

"Mag su swimming ka?" Sabi nito ng malingunan siya.

"Hindi" Sabi niya. "Dumating na ba si Chino?"

"Hindi daw uuwi, hindi ba nag paalam sa'yo?"

"Nakalimutan ko lang siguro" Sabi niya na tumalikod at nagmamadaling bumalik sa kwarto dahil nag mamadali na din na tumulo ang kanyang luha.

Ilang araw na hindi umuwi si Chino at kahit mahirap aminin sa sarili ay miss na miss niya na ito. Hirap na hirap ang kalooban niya sa bawat araw na dumadaan.

Tinawagan siya ng Kuya niya na iuuwi na ang baby ng araw na iyon kaya madaling madali siyang umuwi. Naabutan niya si Chino na masayang masaya na buhat ang baby. "Andito na ang Tita Lorraine mo" Sabi nito sa baby na inilapit sa kanya.

Hinawakan niya ang maliit na kamay ng baby. "Hi Baby" Sabi niya na hinalikan ito sa pisngi.

"Gusto mong buhatin?" Tanong sa kanya ni Chino na kala mo hindi sila magka galit.

"Hindi ako marunong"

"Madali lang" Sabi nito na isinasalin sa braso niya ang bata.

"You're so little my baby" Kausap niya sa sanggol na nasa braso niya. "Tita loves you" Sabi niya na hinalikan niya ulit ito sa nuo.

Pamaya maya ay nagising at umiyak ang bata.

"Baka ma usog niyo ang anak ko ha" Sabi ng kanyang Kuya.

"Amina muna Raine at baka nagugutom na pa dededein ko muna" Sabi nito na kinuha sa kanya ang baby.

"Pasok muna kami sa kwarto. Sosolohin muna namin si baby" Tila nang iinggit na sabi ng Kuya niya. "Pahinga muna kayo at nagpaluto ang Ate Carmen niyo ng masarap na hapunan ng magkasabay sabay naman tayong kumain"

Nang pumanik ang mga ito ay sumunod na din siyang pumanik sa sariling kwarto. Nang isasara niya ang pinto ay hindi niya inaasahan na naka sunod sa kanya si Chino.

"Hindi na ba ako pwedeng pumasok dito?" Sabi nito na pigil ang pinto.

Niluwagan niya lang ang pag bukas ng pinto.

"Buti umuwi ka" Sabi niya dito. "Wala ka man lang pasabi na ilang araw kang hindi uuwi"

"Eh bakit hindi mo ako tinawagan at tinanong mo sana kung nasaan ako?"

Hindi na lang siya kumibo. Hinubad niya ang kanyang damit para mag palit ng damit na pambahay sa harapan ni Chino.

Hindi niya inaasahan na tatalikuran lang siya nito at lumabas ng kwarto.

Sumasakit ang kalooban niya sa ginagawa nito sa kanya pero kaya niyang tiisin bumalik lang ang pag mamahal nito sa kanya.

Chino's POV

Ilang araw siyang hindi naka uwi ng bahay dahil sa nagka problema ang bahay na pinapagawa niya nasabay pa na naka Paternity leave ang Kuya Lawrence kaya may mga trabaho na sa kanya ibinigay. Miss na miss niya na si Lorraine kaya ng makita niya ito kanina ay muntik niya nang makalimutan na hindi pa pala sila okay. Nang pag dating sa kwarto ay alam niya inaakit siya nito pero mas pinili niya na talikuran na lang ito. Gusto niya na matutunan ni Lorraine na hindi lahat ng bagay na magustuhan niya ay makukuha niya ng walang kahirap hirap. Na hindi lahat ng tao ay iintindihin siya katulad ng Ate niya at higit sa lahat ay mapapasunod niya sa pamamagitan ng paglalambing.

Nag swimming na lang siya para mawala ang init na nararamdaman para kay Lorraine. Naka ilang laps siya ng pamaya maya ay dumating ito na naka two piece swim suit.

"Nandito ka rin pala" Sabi nito na umupo sa gilid ng swimming pool.

"Aahon na din ako" Sabi niya na pumunta sa malapit dito para umahon.

"Bakit ba iniiwasan mo ako?" Tila iritableng sabi ni Lorraine.

"Bakit naman kita iiwasan?"

"Ewan ko, baka may kasalanan ka sa akin"

"Ano naman ang magiging kasalanan ko sa'yo" Sabi niya na nag tapis lang ng tuwalya sa bewang at pumasok na uli sa loob ng bahay pero sinundan pa rin siya ni Lorraine.

"Kausapin mo nga ako" Sigaw nito sa kanya.

"Lorraine mahiya ka naman sa mga kasama natin sa bahay"

"Sisigaw ako hanggat gusto kong sumigaw"

Hindi niya ito pinansin at dumiretso siya sa kwarto. Pag pasok sa kwarto ay sinuntok siya sa likod ni Lorraine.

"Masakit yun ha"

"Hindi naman kasing sakit ng ginagawa mo sa akin" Lumuluha nang sabi nito sa kanya at hindi niya na napigilan ang sarili na hawakan ito sa mukha at pahiran ang luha nito. "Bakit ganyan mo ako tratuhin? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo ah at saka yung kay Ate Carmen okay naman na kami. Kung ayaw mo na sa akin sabihin mo sa akin hiwalayan mo na lang ako" Sabi nito na inilagay sa kamay niya ang sing sing na ibinigay niya dito.

Inakap niya ito. "Wag ka nang umiyak" Sabi niya na ipinilit na isuot sa daliri nito ang sing sing.

"Saan ba ako nag kulang?" Humahagulgol ng sabi nito. "Sinusunod ko naman lahat ng gusto mo. Madalas nga kahit wala akong kasalanan ako pa nagpapakumbaba"

"Lorraine tama na" Sabi niya na pinunasan ang luha nito at hinalikan ito sa labi.

Ginantihan siya nito ng halik sa pagitan ng pag hikbi at tinanggal nito ang string ng bikini top at ibinaba ang swimming trunks niya dahilan kaya nakalimot siya at inihiga ito sa kama. Ang tagal nilang hindi nag tabi ni Lorraine at nang gabi na yon ay tila nasulit ang kanyang pag titiis. Ilang beses na may kumatok sa pinto para ayain silang mag hapunan pero hindi nila pinansin at ipinagpa tuloy lang nila ang kanilang ginagawa. Si Lorraine ay tila walang kapaguran na sinusunod kahit na anong posisyon ang gustuhin niya. Nararamdaman din niya ang pananabik nito sa kanya. Malalim na ang gabi ng makaramdam sila ng pagod. Nakasandig sa dibdib niya si Lorraine habang siya ay hinihimas ang likod nito.

"I miss you Chino" Mahinang sabi nito sa kanya na ginantihan niya lang ng halik sa ulo nito. "I love you" Sabi nito na humarap sa mukha niya.

"I love you more" Sabi niya tapos ay hinalikan ito sa labi.

"Mag baby na din kaya tayo nakaka inggit sila Kuya" Sabi nito na umupo ng pakabayo sa kanya.

"Gamitin mo pa rin ang pills mo. Hindi ka pa pwedeng mabuntis"

"Bakit?"

"Malaking responsibilidad yun at saka dapat maka graduate ka muna" Sabi niya na nakapagpa simangot dito. "Lorraine dapat lahat ipina plano. Magpapakasal muna tayo tapos tatapusin mo muna ang pag aaral mo. Okay?"

"Opo" Nakasimangot na sabi nito tapos ay nag simula nanaman itong halikan siya.

"Hindi ka pa ba pagod?" Sabi niya dito.

"Hindi" Naka ngiti nang sabi nito.

Something bad turns great [completed]Where stories live. Discover now