Part 20- To Celebrate or Not To?

50 0 0
                                    

Lawrence's POV

Kung kelan lang ay napaka bata pa ng kanyang kapatid ngayon ay ganap na itong dalaga. Nag 18 na ito at tinanggihan nito ang malaking Party na inaalok niya para dito. Sumama na lang ito kay Lawrence na mag spend ng weekend sa Baguio para sa birthday nito. Nakitaan niya na malaki ang ipinag bago nito simula ng mag sama sila ni Chino. Hindi na ito materialistic tulad nuon. Naalala niya pa ang pag uusap nila dati ni Chino.

Flashback

"Lumabas ka dito kung ayaw mo na masuntok nanaman kita" Sigaw niya dito ng pumasok ito sa study area kung nasaan siya.

"Pakinggan mo naman kasi si Chino muna" Sabi ng kanyang asawa.

"Kuya alam ko na nakaka bigla ang lahat. Kahit ako hindi ko din inaasahan na ganito mangyayari" Nagpipigil ng luhang sabi nito. "Alam na alam mo na gustong gusto kong makatapos ng pag aaral kaya nga namasukan si Ate dito eh. Pero nangyari na at handa akong panagutan si Lorraine. Mahal ko siya kahit noon pa"

"Mahal ka ba niya?" Sabi ng Ate Carmen niya.

"Hindi ko alam" Tila naguguluhang sabi ni Chino

"Alam kong nag rerebelde lang siya kaya niya ginawa yan" Sabi niya matapos inumin ang brandy na nasa harap niya. "Kailangan niyang bumalik ng Amerika. Kilala ko,ang kapatid ko, pag nag sawa yan sa isang bagay ay bibitawan din niya"

"Handa ako sa kahit ano man mangyari sa amin. Nangako ako sa mga magulang niyo na pananagutan ko ang nangyari sa amin ni Lorraine"

"Hindi mo kaya ang luho niya. Hindi mo ba nakikita Princesa ang kapatid ko. Hindi mo kakayanin ang nakasanayan niyang buhay"

"Hindi ko maipapangako na maibibigay ko ang dating buhay niya pero sisiguraduhin ko na papasayahin ko siya. Oo nga at napapaligiran siya ng yaman at karangyaan pero hindi niyo nakikita ang nakikita ko sa kanya. Hindi yun ang kailangan niya. Hindi siya masaya"

Carmen's POV

Back to Present

Masaya siya ng lumapit sa kanya si Lorraine para magpa tulong sa pagbe bake ng cupcakes para sa graduation ni Chino. Nag luto din ito ng ilang putahe habang pinapanuod ang instructions gamit ang ipad nito. Ang ipad na iyon ay bigay sa kanya ng asawang si Lawrence pero pinili niya na lang na ibigay dito para makatulong din sa pag aaral nito. Ganun din ang Channel Bag na niregalo sa kanya ni Lawrence tutal wala naman siyang pag gagamitan nun.

Napagod ito sa paglu luto pero umattend pa din ito sa graduation ni Chino kasama ang Nanay at Tatay niya. Hindi na siya sumama dahil sa malaki na din ang tiyan niya at nahihirapan na siya sa mga matataong lugar. Nang maka balik ang mga ito galing sa graduation ay may mga bisita na.

Pwera sa mga niluto ni Lorraine ay nagpa cater din siya dahil sa madami din inimbita ang asawa niya na kasama nila ni Chino sa trabaho.

Nakikita niya na parang tunay na asawa na inaasikaso ni Lorraine ang kapatid ganun din ang mga bisita.

"Anak, okay ka lang ba? baka mapagod ka mag pahinga ka na" Sabi ng Nanay niya na inaya siya sa isang lamesa kasama ang mga kaibigan nitong galing ng Baguio.

"I have an announcement to make" Sabi ng asawa niya sa harap ng lahat ng bisita. Kinawayan nito si Chino na lumapit naman at inakbayan ito. "You are now the Junior Architect of Almeda's Builder" Nagpalakpakan ang lahat. "Mahirap na baka masulot pa ng ibang kumpanya cumlaude pa naman"

"Thank You Kuya Lawrence sa lahat" Sabi ng kapatid niya na umakap pa sa asawa niya. "Ako din may announcement" Sabi nito na nilapitan si Lorraine.

"Congrats sa promotion" Sabi ni Lorraine na inakap agad si Chino.

Lumuhod ito sa harap ni Lorraine. "Will you marry me? Gusto kitang ipromote bilang asawa ko" Lumuluhang sabi nito.

"Yes" Sabi ni Lorraine na tumalungko sa harap ni Chino at umiyak din. "I am happy to be your wife" Isinuot ni Chino dito ang sing sing at nagpalakpakan ang lahat.

Lorraine's POV

Siya ang pinaka masayang tao ngayong gabi. Binulong sa kanya ni Chino matapos siya nitong halikan na para daw wala ng umaligid sa akin ay pakakasalan niya na ako. Napaka impormal pero kinilig ako. Lumapit sa kanya ang mga kaibigan at nag congratulate sa kanya at inusyoso ang suot niyang singsing.

Kukunin niya ang mga ginawang cupcakes sa kusina para ipa uwi sa ibang bisita ng makita niya duon si Therese. Nginitian niya ito dahil wala na siyang dahilan para mag selos dahil secure na siya na mahal siya ni Chino at pakakasalan siya nito.

Hindi ito kumibo at hinawakan siya sa braso. "Huwag kang maging kampante. Hindi ka mahal ni Chino"

"Don't touch me" Sabi niya na iwinaksi ang braso niya. "Pakakasalan niya ako"

"Pera lang ang habol niya sa'yo" Sabi nito na hindi niya naman pinapaniwalaan dahil alam niya sa sarili niya na halos tumira na si Chino sa opisina para lang maka ipon ng pera at kahit minsan hindi ito umasa sa pera ng Pamilya niya. "Pinlano niya ang lahat. Pasasakayin ka lang niya sa simula tapos unti unting huhuthutan at tapos iiwanan ka na niya ang totoo nga niyan buntis ako ngayon at anak ni Chino ito"

"Hindi totoo yan"

"Pinupuntahan niya ako palagi sa boarding house ko. Tuwing sinasabi niya na nasa project site siya. Ako ang kapiling niya. Matagal na kaming may relasyon hindi lang namin pinaalam sa iba kasi ayaw ng Ate Carmen na magka girlfriend siya habang nag aaral. Sinasabi ko ito sa'yo para ikaw na mismo ang humiwalay sa kanya dahil pag kinumpronta mo siya siguradong idedeny niya lang. At ikaw naman si tanga na maniniwala nanaman sa kanya"

"Gusto mo lang kaming pag hiwalayin"

"Kung hindi totoo ang sinasabi ko, bakit ko alam na pikot lang ang lahat" Nakapamewang na sabi nito. "Inipit mo siya sa sitwasyon na pabor sa kanya. Ikaw na mismo ang lumapit sa kanya para maisakatuparan niya ang plano niya sa'yo. Napilitan siyang pakisamahan ka kahit hindi ka niya Mahal nang dahil sa pera at takot sa pamilya mo.

Sinampal niya ito at sinampal din siya nito. Sa sobrang galit niya ay sinabunutan niya ito at pinag sasampal. Hinablot din ni Therese ang kanyang buhok. Nasa ganun silang sitwasyon ng dumating si Carmen. Umawat ito sa kanila at hindi sinasadya na naapakan nito ang mga nahulog na cupcakes sa sahig at nadulas ito. Nakita niyang bumagsak ito sa sahig at nakita niya ang dugo sa sahig.

Tumakbo si Therese sa mga bisita at humingi ng saklolo. Siya naman ay nilapitan agad si Carmen na nawalan ng malay.

Something bad turns great [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon