RD 39

116K 3.5K 2.6K
                                    

Phase 39

I can't believe my talk with Kaito went so smooth and nice because of him, tuwing naalala ko ang bawat salitang binitiwan niya tungkol doon ay tumatak sa akin at parang gusto kong ugaliin din. Naiisip ko pa lang ang tungkol sa relasyon namin ni Primiel ay ganoon na agad ang gusto kong maging persepsyon, sa totoo lang wala rin kasi akong kasiguruhan sa amin ni Primo ngayon. Kung magpapanggap pa rin siya at gagamitin si Suelly hangga't hindi nakakatiyempo ng kalayaan sa mga Vargaz ay mas lalo lamang magiging malala ang sitwasyon at ako ang masasaktan.

Kaya ngayon pa lang, inaasahan ko na ang lahat. Ang masakit na parte kahit wala pa man, alam ko naman kasing talagang masakit makita na may nakakasamang iba ang mahal mo, hindi pa rin malinaw ang relasyon o kung mayroon nga ba pero ayos na sa akin iyong nasa iisang lugar kami at nakikita ko siyang maayos ang buhay. I want to have the same perception when it comes to letting go like Kaito, he let go of me easily because he expected things around that we aren't really for each other because I love someone else already. Ganoon na rin ang gusto ko sa buhay para mas magaan sa pakiramdam kung ano man ang kahihinatnan.

That day, I decided to stay in Saint's condo near the hospital he's working in Makati. Same hospital with Primiel, nahihiya na ako kay Kaito. Ayaw kong manatiling kasama siya pagtapos ng lahat at gusto kong distansyahan muna siya gaya noong huli naming napag usapan, Kaito is so nice. Siya pa ang naghatid sa akin sa condo ni Saint after lunch.

Days went normal around, inaasikaso ko pa rin ang gawain ko at kliyente sa email. Sabi ni Mr. Miller ay sa susunod na taon kami mag-uumpisa, that's just three months from now. Kaya iyon ang plano ko, babalik ako ng Australia sa oras na uumpisahan na ang trabaho. Sa ngayon ay inaabala ko pa ang sarili sa mga dagdag niyang pinaplano para sa kanyang malaking restaurant doon.

Tinanggal ko ang salamin sa mata ko at hinawakan ang noo, my phone is ringing for Primiel's call. Huminga ako nang malalim at sinagot iyon.

"Oh?" I started flatly, inalis ko ang mga pangit na parte sa papel na may plano.

"I'm gonna pick you up at 3 PM today."

Kumunot ang noo ko sa naalala. "Ay, birthday nga pala ni Troi. Ang alam ko si Saint ang kasabay ko papunta roon, bakit susunduin mo pa ako?"

I'm actually worried for the whole two days, palagi niya kasi akong pinupuntahan dito sa unit ni Saint. Break time and vacant hours niya ay narito siya para magpalipas ng oras, kahit na abala ako sa ginagawa ko online. Tahimik lang din siya at nanunuod sa akin, naghihintay na matapos ako kaya madalas sa gabi kailangan ko pang ulitin ang ilang detalye ko sa blueprint dahil naiilang ako sa kanya at tinatapos agad ang gawain.

"Why are you always asking that?" iritado niyang tanong.

Ayan na naman, parang batang naiinis! Wala namang masama sa tanong ko!

"Kasi nga puwede naman tayong magkita na lang doon sa bahay nila Troi, hindi na doble-doble pa. Pupunta rin naman si Saint."

"As if you're gonna be with Saint." he tsked. "Of course, you'll be with Kaito. He's invited."

Suminghap ako. "Baliw ka ba? Sa tatlong taon na nakakasama ko si Kaito at alam mo pala iyon, ngayon ka pa magseselos? Para kang bata."

"Thats why I'm jealous now, nandito ka pero siya pa rin ang makakasama mo. Puwede bang ako naman?"

My chest heaved, it's twisting in a ticklish way. "Ang drama mo naman, Kaito's not yet sure if he'd come. Kaya si Saint pa rin ang kasabay ko."

"Troilus is expecting him, tell him to come. Tss."

Natawa ako. "Hindi mo rin talaga natitiis si Troi, e. Tama 'yan, huwag kang sumabay sa bata. Matanda ka na."

"Ah. Ganoon? Sige." he said scornfully.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon