RD 28

33.3K 1.3K 288
                                                  

Phase 28

I got many rejections from anywhere I tried to apply for work, sobrang nawawalan na ako ng pag-asa roon at walang nagawa kundi ang magpatulong ulit kay Maysie na makapasok sa club dahil doon lang yata ako puwede. Sa limang beses kong sumubok sa kahit saang restaurant man at sa malls bilang saleslady ay walang tumatanggap sa akin. Parang parating may nakaharang na hindi ko malaman kung ano...

"Ang malas mo naman, friend. Maganda ka naman, ah? Puwedeng idisplay, pero bakit hindi ka man lang natanggap sa limang pinag apply-an mo?" si Maysie nang magkita kaming dalawa. "'Tsaka paano ang pag-aaral mo? Hindi mo na ulit itutuloy? Kasi bawal talaga estudyante sa club kahit waitress."

Bumuntong hininga ako.

"Gaya na rin nung una, Maysie. Doon na lang ako sa club at mag-iipon, kailangan ko kasi talaga ng pera para sa amin ni Mama."

Sobrang malas ko, minsan gusto kong baguhin ang pangalan ko dahil parang doon sila umaayaw. Napaisip ako bigla, sa pangalan ko? Anong mayroon? Bakit tuwing binabanggit ko ang pangalan ko ay inaayawan nila ako agad? It's damn frustrating! Oo nga, bakit ganoon?

"Mabuti na lang si Mama, hindi umaasa sa akin. 'Tsaka, ewan ko ba kasi kay Ate Sabina. Bakit sa lahat ng lalaki, e, si Joseph pa? Batugan ang gagong 'yon, nananakit pa! Pogi lang talaga, pero walang dulot!" iritadong sambit ni Maysie. "Aanhin ang pogi kung puro lang higa at pag-aadik?"

Kumunot ang noo ko. "Iyong boyfriend ba ng Mama mo, hindi katulad ni Joseph? Natatakot ako Maysie, baka kasi bumalik pa si Mama sa bahay namin."

Ngumiwi siya.

"Mahal kasi ng Mama mo 'yon, hindi lang halata pero kasi 'yon lang ang nakakasama niya noon at nakakajam pa sa paggamit."

"Oo, Maysie. Pero buntis si Mama ngayon, hindi na dapat siya lumapit ulit. Gustong ipalaglag ni Joseph ang dinadala ni Mama."

Namilog ang mga mata ni Maysie sa gulat.

"Ano ba 'yan, hindi ko alam kung anong itutulong sayo pero... di, ba? May boyfriend kang mayaman? Bakit hindi mo subukang humingi-"

"Wala na kami, hihinto na rin ako sa paghingi ng tulong sa kanya." I cut her off instantly. My heart contorted at the truth about our relationship now.

Hinampas niya ako sa braso. "Ano ka ba? Bakit mo hiniwalayan 'yon? Ngayon pa na kailangan mo ng pera! Dapat ginamit mo na lang ang utak mo, praktikal ba! Puwede mo namang hingan iyon!"

Napasinghap ako at umiling sa kanya.

"Maysie, hindi kasi iyon katulad ng iniisip mo. Hindi matandang mayaman si Primo, nag-aaral din siya sa Maynila habang sinusuportahan ako rito. Ngayong hiwalay na kami, hindi ko na puwedeng tanggapin ang suportang iyon."

Ayoko na, hindi ko gagawin iyon. Ayaw kong gumamit ng tao para lang sa suporta, hindi na gaya noon na alam kong tunay ang tulong ni Primiel. Ngayon, hindi ko siya gagamitin para sa sarili ko. Tama na iyong naitulong niya sa akin, kung may relasyon man siya sa ibang babae. Doon na lang siya, hindi ko guguluhin kung saan siya masaya.

Napakamot siya sa buhok at parang frustrated sa kalagayan ko rin, nagkatinginan kami. Isang mabigat na hininga ang pinakawalan niya.

"O, siya, sige. Ipapakiusap ulit kita kay Mamang! Pero, Loraes. Ituloy mo ang huling taon mo sa pag-aaral kung makakaipon ka." seryoso niyang sinabi.

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.

Pagkauwi ko sa bahay ay wala akong kagana-gana sa lahat, sana makapasok na ako ulit. Sana matulungan ako ni Maysie roon, malapit na maubos ang naipon ko dahil sumabay pa ang bayaran ng bills ngayong buwan.

Villareal #5: Rayless Daybreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon