RD 5

118K 4.2K 2.5K
                                    

Phase 5





"Saan mo nalaman 'yan?" malamig kong tanong sa kanya.

To be honest, I wasn't shocked about what he said because it wasn't my fact. It was my sister's favorite hobby, not mine. But I decided to tell anyone who asked, that star gazing is my favorite thing, just to... be normal. Gulat ako kung paano nalaman ni Primiel ang bagay na hindi ko naman naalalang tinanong niya sa akin kahit noon? He doesn't even know my sister. How?

"Sayo, you told me that."

"Talaga?" nagtaas ako ng kilay. "Hindi ko naalalang nagkausap tayo sa ganyang bagay."

He smirked blankly and shrugged. "Okay, don't mind it."

Tumiim bagang ako. Gusto kong malaman kung paano pero wala rin akong boses para mangulit sa taong ito, I just don't like that personal info I never mentioned to anyone who didn't ask!

"Are you stalking me?" the question can trigger him to tell the truth. Iyan lang ang naisip ko, sa sobrang kaarogantehan niya, alam kong itatanggi niya iyan at magsasabi ng ibang rason para iligtas ang sarili.

His brow arched naturally and gazed at me, huminto ang sasakyan pagkaliko sa isang madilim na street. Hinarap niya ako, pinatong niya ang isang siko sa manibela at ang isang kamay ay inabot ang sandalan ng upuan ko para mas makita ako at mabalingan sa ganoong paraan, kuminang ang itim na hikaw niya sa kaliwang tainga nang matamaan ng ilaw mula sa poste. Nanatili namang madilim ang parte ng mukha niya dahil nahaharangan na ang liwanag sa loob ng sasakyan.

My chest tightened, pero hindi kabado. I was just mesmerized by the darkness that looked beautiful on him tonight.

"So what if I am?" he asked frigidly. "Lugi ka?"

Ayos na sana iyong unang tanong, e. Pinag-init lang ang hiya ko sa pangalawa. I glared at him.

"Stalker ka nga? Anong dahilan mo at ini-stalk mo ako? Oo nga, e. Hindi nga ako maganda, ang pangit ko pa manamit dahil parang Lola. Manang pa ang tawag mo sa akin, at walang mag-aaksaya ng oras para kilalanin ako! So what is your plan?"

Okay, I'm getting there. Mapapaamin ko rin siya, kailangan ko lang ng ilan pang salitang magtutulak sa kanya. Nakakainis lang talaga, if ever he's telling the truth that he's a stalker, then, I should be careful more from now on. Pero ang labo naman, Primiel? Stalker? Imposible na sa katulad ko pa, maari pa akong maniwala kung kay Willow Fischer o Mitch! Maybe, I'm just scared...

"I'm not stalking you, but thank you for giving me the idea. Maybe, I shall start?" his lips cornered into a dark smirk.

"What the." I gasped in disbelief. "Siguro, may pustahan kayo ng mga kaibigan mo 'no? Kasi, ako 'yong babaeng madalas din lapitan ng mga kaibigan mo, 'di ba? So it's not impossible to be in the middle of your biddings! Kung 'yan ang plano mo, sabihin mo panalo ka na." tinuro ko ang sarili. "You see, I'm here. In front of you, you can touch me! You can hurt me! You can capture me a photo and send to your group! Nang sa ganoon, tigilan mo na ako! Go on!"

My heart contorted a bit. Sanay naman ako sa ganoon, hindi lang ako makapaniwala ngayon na pati si Primiel ay makikisali sa walang kuwentang pustahan. Ang nakakairita pa rito ay wala niya akong hirap na nakukuha, I don't even know why I'm here again. Puwede naman akong magpumiglas, puwede ko naman siyang sampalin at itulak para hindi ako maisama pero wala akong ginawang ganoon kanina.

Kunot ang noo niya habang malamig na nakatitig sa akin, marahang pumilig sa kanan ang kanyang ulo at kinamot ang kilay sabay ngumisi na para bang katawa-tawa ako sa harapan niya.

"You're really confusing me, Sovereign. You are so far from how I saw you act and talk with your friends. Ilang pagkatao ba ang mayroon ka?"

My chest hammered real bad, nanlaki pa ang mga mata ko pero agad kong tinaliman ang tingin sa kanya. He smirked at my reaction and shook his head.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon