RD 20

37.1K 1.4K 250
                                                  



Phase 20

Tahimik ako habang nasa biyahe pauwi, Lola was all silent and she couldn't even look at me. Ganoon ang pangyayari, hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa ni Lola iyon pero pinipilit kong mag-isip ng positibo ukol doon. Marahil nahihirapan ng sobra si Lola sa sitwasyon ng pamilya niya dahil hindi sapat ang sinasahod niya sa pagiging kasambahay at kailangan niya talaga ng pera para sa ospital at gastusin ng kanyang mga anak.

Senyora Esmeralda Vargaz is a rich woman with two sons, Willem and Weston Vargaz who are both in the field of business but Weston is also modeling. Napag-usapan kanina sa hapagkainan ang ilang bagay na gumugulo hanggang ngayon sa isip ko, they are planning to take me out of the country to live with them. Hindi ko maintindihan dahil puwede naman silang kumuha ng ibang tao para magtrabaho sa kanila roon, bakit hindi na lang ako magtrabaho sa kanila rito sa Pilipinas?

Ngayon pa lang ay naiiyak na ako sa maaring mangyari, mukhang tama ang naiisip ko pero nananalangin pa rin ako na may maayos na rason si Lola.

"Lola..." tawag ko sa kanya nang nasa tapat na kami ng apartment.

Her teary eyes told me so many painful things.

"Sovie, sana maintindihan mo ang nagawa ko."

My heart hurt but I refused to be emotional. "Puwede niyo po bang ipaliwanag sa akin ang lahat? Bakit po parang... n-nabili na nila ako? Binenta mo ba ako, L-La?"

Ayaw ko. Sana hindi ganoon, sana para lang sa paninilbihan pero hindi ang buong pagkatao ko. I can pay them using myself to be their servant but I can't breathe the fact about the real deal between Vargaz and Lola. Hindi ko matatanggap kung aaminin ni Lola ang nasa isip kong negatibo, masakit iyon lalo na kung siya pa mismo ang gumawa.

Suminghap siya at naluha, hinawakan niya ang braso ko.

"Sorry, Sovereign. Hindi ko ginustong gawin iyon, masyado na akong desperada sa lahat ng nangyayari na wala man lang akong magawa para sa pamilya ko."

"K-Kaya po ba binenta niyo ako, La?" nanginig ang boses kong mahina. "Gusto kong malaman, ako po ba ang kabayaran sa lahat ng utang mo sa pamilyang iyon?"

Nagyuko siya ng ulo at umalog ang balikat sa pag-iyak, unti-unting tumango ang kanyang ulo para sa kumpirmasyon. Bumagsak ang mga luha ko agad, napalunok ako at kinunot ang noo.

"Hindi naman buong ako, 'di ba? Hindi naman ang buhay ko? Pagiging kasambahay lang nila, 'di ba, Lola?" hindi na naalis ang pangangatog ng boses ko dahil sa emosyong pinipigilan ko. "Magtatrabaho po ako ng maayos sa kanila, Lola. Kung iyon ang puwedeng ipambayad sa lahat, para sayo."

Umiling siya at mas lalong lumuha.

"Hindi, Sovie. Makinig ka..." she held my arm and sobbed. "Magiging maayos ang buhay mo sa kanila, para rin sayo ang ginawa ko. Kung magkakamabutihan kayo ni Weston ay mas maganda at wala ka ng problema pa sa kinabukasan mo. Pag-aaralin ka rin sa ibang bansa at doon kayo mamumuhay. Sovie, apo. Hindi ka na mahihirapan pa rito—"

Nangunot ang noo ko at mabilis akong umatras habang umiiling, tears are continuously streaming down my cheeks while looking at her in disbelief.

"Lola, hindi po ako bagay na kayang bilhin ng kung sinong mayaman! Talaga palang binenta mo ako sa kanila kung ganoon, hindi ko inasahan na kaya mong gawin 'yon. Sa lahat ng tao, ikaw ang pinagkatiwalaan at nirerespeto ko ng buo! Pero hindi ko matanggap ang parteng 'to, La." I sobbed and shook my head. "Ayoko po, hindi ako sasama sa kanila at hindi ko kailangan ng ibang tao para guminhawa! Hindi na ako babalik doon!"

Tumalim ang mga mata niya habang kunot ang noo sa aking sinabi, bigla ay parang hindi si Lola ang kaharap ko. Sobrang daming nagbago, para na akong ibang tao sa kanyang mga mata ngayon na kailanman ay hindi minahal. Mas lalo akong nakaramdam ng kabigatan.

Villareal #5: Rayless Daybreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon