RD 23

34.2K 1.5K 189
                                                  

Phase 23



Pagtapos kong magbigay ng orders sa ilang lamesa ay pumasok ako sa banyo para sumuka, sobrang sakit ng ulo ko at nahihilo ako dahil sa sari-saring amoy sa loob ng club. Pinakamalala ang usok ng mga sigarilyo ng customers at kahit na rin ng mga katrabaho ko.

Narinig ko ang katok mula sa labas.

"Raes, ayos ka lang ba?" it's Maysie.

Huminga ako ng malalim at agad pinunasan ang bibig pagtapos magmumog. Lumabas na ako ng banyo, nakatayo si Maysie sa gilid ng pinto habang naghihintay. Nagkatinginan kami.

"Ayos lang, medyo nahilo ako."

She nodded. "Hindi ka talaga sanay sa polluted na lugar, siguro mas maganda kung lumipat ka ng trabaho. Dalawang linggo ka na rito, baka makasama pa sa kalusugan mo."

"Ayos lang naman, masasanay din ako. 'Tsaka wala pa akong mahanap na puwedeng pasukan. Sinubukan ko sa ibang restaurant pero hindi na ako tinawagan o tinext, e."

This is my second week here and I don't know if I can last longer, masyado yata akong sensitibo sa ganitong lugar. Sinubukan kong magpasa ng resume sa ibang restaurant na mas disente at hindi ganitong resto club pero wala pa rin akong naririnig mula sa mga iyon. Pero maayos naman daw ang pasahod dito tuwing kinsenas, lalo na kapag may nagbibigay ng tip! Isang linggo pa lang ako kaya hindi ko pa nararanasan, pero marami namang naglalagay ng tip palagi sa tray.

Totoo rin na may ibang mga bastos na banyaga pero puwede silang ireklamo at hindi na makakapasok sa susunod, kami nila Maysie ang hindi puwedeng hawakan dahil hindi kami nagtatrabaho bilang dancers at escort dito. Noong una takot na takot pa ako sa mga tingin ng ilang customers kapag naghahatid ako ng orders pero kalaunan ko ring nakuha na dapat na iyong kasanayan habang nagtatrabaho.

"Susubukan kong magtanong kay Mamang kung may iba pa siyang puwedeng i-offer na trabaho sayo." ani Maysie.

Tumango ako at ngumiti. Tinapik niya ang balikat ko.

"Bihis na, out na rin naman natin."

I nodded again and walk inside the girls room.

Si Maysie talaga ang palagi kong nakakasama, kahit sa bahay namin at kapag nagyayaya lumabas ang mga kaibigan niya ay sinasama ako upang makagala. Mas matanda sa amin ang mga nakakasama namin parati pero ang mga ugali ay magkakapareha rin na kalog at balbal magsalita kaya nakakatuwa silang kasama.

For two weeks, I tried to live my life here without thinking about the problems happened. Basta ang nasa isip ko lang muna ay magtrabaho at makapag-aral, sayang kasi ang dalawang taon kong pag-aaral sa Laguna kung hindi ko itutuloy pa ang pangatlo hanggang apat na taon ko sa Interior Design na programa. Mas maayos ang magiging trabaho ko oras na makapagtapos, mas malaking tulong at mas disente pa.

Naabutan namin sa bahay sila Mama, Joseph, Maris at Joel. They are using again... doon ako palaging takot pero sanay nang makita ang gawain. Isang beses kasi akong nasaktan ni Mama ulit noong nakaraang linggo matapos niyang gumamit, dala na rin ng kalutangan kaya hinayaan ko.

"Maysie!" halakhak ni Maris sabay yakap sa anak niya, agad siyang iniwasan ni Maysie.

Tumawa lang si Maris at nagkibit balikat, nakita ko naman si Mama na nakikipaghalikan sa nobyo niyang si Joseph na nakatingin sa akin. My chest hammered nervously, umiwas ako ng tingin sa kanila.

"Ang ganda talaga ng mga anak n'yo, ano?" tawa ni Joel sabay tingin sa aming dalawa ni Maysie.

"O, talaga?" Maysie said scornfully and rolled her eyes. "Gumamit ka na lang diyan, hindi namin kailangan ng kumento mo, adik."

Villareal #5: Rayless Daybreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon