RD 17

40K 1.6K 373
                                                  

Thank you.



Phase 17


Gaya ng sinabi ni Lola ay lumipat ako sa apartment, sa kabutihang palad sa dalawang buwang mahigit naman na pagbukod ko at paninirahan mag-isa ay nakapag adjust agad ako para sa sariling kapakanan. Everything around me went smooth, for the first time out of the household of Guevaras, I felt the freedom of being alone and independent. Matagal na akong nag-iisa, bata pa lang ay sanay na ako na walang nag-aalaga. Iyon lang sinanay din ako ni Lola Irma sa puder niya na dalawa kaming magkasama, na hindi ako nag-iisa at palaging may makakasama.

Every weekend, Lola's visiting. Kapag may pakisuyo naman si Tita Nadia sa bahay nila ay nagpupunta rin ako para gawin ang pakisuyo niya. Mas nakabuti nga iyong hindi kami magkasama ni Stelios sa isang bubong, pero nitong nakaraang linggo lang ay nangungulit na naman siya rito. Hindi ko lang pinagbubuksan at nagkukuwaring walang tao sa apartment, I just don't really want to talk to him again after what happened. Tapos na ako roon, ayaw ko na siyang makausap. He said sorry and did it again, if he was really sorry, why did he hurt me again? Does he think sorry is just a word to be forgiven instantly? Hindi siyempre. Ang salita ay ginagawa upang mapatunayan ang totoong kahulugan noon, hindi puro salita pagtapos ay gagawin na naman.

Mas masaya na akong mag-isa kesa ang makasama pa siya sa iisang bubong. Ayaw ko ring magkasalubong pa sila ng landas ni Primiel simula noon dahil mainit ang mga mata nila sa isa't isa, kahit hindi mapagpatol si Primiel kung si Stelios ang mangunguna ay baka magkabunuan lang sila.

Primiel passed the exam and it wasn't surprising anymore, it's actually sad because he started staying in Manila while studying for the next four years again while I'm staying in Laguna. We are far from each other for months, umuuwi lang siya kapag walang pasok na madalang talaga sa kanyang programa kaya sa isang linggo ay dalawang araw lang kaming nagkakasama. Minsan nga hindi siya nakakauwi sa isang linggo, I completely understood his side and I'm just here to support him all the way up his career.

Nakakalungkot pala kapag wala siya pero ayos lang naman iyon dahil importante ang kanyang pag-aaral higit sa pagsasama namin o sa kalungkutan ko. He's constantly trying to reach me every possible time of our day. Nakauwi rin ako sa aming probinsya pero hindi rin nagtagal dahil niyaya si Mama ng kanyang nobyo na magbakasyon naman sa New Zealand, wala akong nagawa kundi ang umuwi sa Laguna. She bought me clothes and shoes to use, including the cellphone she told me last time. My Mom looked young as always, I was happy to see her beautiful face until now. Hindi kami gaanong nakapag-usap pero masayang-masaya ako sa ayos ng pakikitungo niya sa akin kesa noon.

Sa loob ng naunang mahigit na dalawang buwan ay ganoon ang aming sitwasyon hanggang sa umabot na ng taon. Katulad ng plano, nag-aaral din ako nang maayos para sa kinabukasan ko.

"Tulungan kitang magpintura, Sovie." presinta ni Zoren, humilig siya sa hagdanan na nakatayo sa harap ng pader.

"Hindi na, Ren. Ang kulit mo talaga, sabing trabaho ko 'to, e. Bakit ka kasi nakikisali?"

Isang kapit bahay ang kumuha sa akin bilang designer ng kanyang kuwarto, kabibili lang niya ng bahay at lupa malapit sa apartment na tinitirahan ko at narinig niya lang sa may-ari ng apartment na marunong akong magdisenyo at pintura kaya pinatawag ako para roon at dagdag na rin sa ipon ko ang maibabayad pagtapos ng linggo.

"Sungit mo naman!" asik ni Zoren sabay irap, tumungo siya sa isang monoblock at doon umupo habang pinapanuod ako. "LQ kayo ni Primo?"

Suminghap ako at umiling, pinunasan ko ng t-shirt ang pawis sa panga ko at matalim siyang tiningnan. Humagalpak siya.

"Tangina, mukha kang batang palaboy na inutusan lang bumili ng bigas tapos nakipaglaro pa ng taguan sa mga kalaro."

I laughed scornfully and mimicked his laugh.

Villareal #5: Rayless Daybreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon