RD 26

37.8K 1.4K 214
                                                  

Phase 26


He cooked our dinner while I was taking a quick shower, binalot ko sa ulo ang tuwalya at nagbihis ng kumportableng damit. I'm just wearing my usual sleeping clothes, oversized shirt and pajamas. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko siyang nag-aayos ng pinggan sa lamesa, pagkatunog pa lang ng pinto ay tumingin na siya sa akin.

I smiled broadly, nakapaang lumakad ako patungo sa kanya at humakbang lang siya para salubungin ako ng isa niyang braso sa baywang agad, he held on my hips and inhaled my scent. Hinila niya ako patungo sa upuan, siya ang naupo roon at inupo ako sa kanyang hita. Inalis niya ang tuwalya sa buhok ko para siya mismo ang magtuyo noon.

I gazed at the food he cooked tonight, it's my favorite sisig. Langhap na langhap ko kaya nakakapanlaway, hinarap ko siya habang abala siya sa pagpupunas ng buhok kong basa. I held his cheek and piched it as I gave him a peck.

"Miss ko rin luto mo, pero ako dapat sa susunod!" gigil kong sinabi at muli siya hinalikan sa pisngi. Binalingan ko ang sisig at kinuha ang tinidor para tikman iyon. "Three days ka lang ulit?"

"Yup, baby." he answered and squeezed my waist, dinikit niya ang mukha sa aking pisngi. "Sarap ba?"

Tumango ako at kumuha ng kanin, I smiled at him.

"Oo, pinag-aralan mo talaga?" natatawa kong tanong. "Parang hindi baguhan sa kusina, ah?"

Umismid siya at tinuko ang kanyang baba sa aking balikat habang niyayakap ang baywang ko mula sa likuran, he chuckled roughly. Kinuha niya ang kutsara at siya mismo ang nagpakain sa akin. My face heated up, kahit nahihiya ay tinatanggap ko ang lahat. He was also eating, same plate and spoon together. I was giggling the whole dinner while talking with him about his past months.

Puro tungkol sa medisina at pag-aaral ang kanyang kinukuwento kaya naaaliw ako dahil malinaw na mahal niya ang larangang tinatahak. Alam kong mahaba pa ang lalakbayin niya para roon pero sigurado at buo ang tiwala ko na magiging successful siya sa lahat.

"E 'di talagang nahihirapan ka na?" nakanguso kong tanong, umayos ako ng upo sa kanya para mas makita ko ang mukha niya. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya.

He shrugged and smirked.

"It's actually easy, but what's not easy to deal is being away from my lovely girlfriend for long months 'coz I couldn't sleep thinking about her." he said it while looking at me.

Pinitik ko ang ilong niya at hindi ko mapigilang matawa, I looked at him doubtfully in a fake way. "Huwag mo na ako utuin!"

He buried his chin on my collarbone and hissed like a giant kid. "Hindi kita inuuto!"

I giggled.

Tinapos namin ang pagkain sa ganoong ganda ng gabi magkasama, we ended up cuddling and talking in bed until midnight. I was laying on his top while he's caressing my back gently like a rhythm to make me sleep in a precious night with him.

I really miss him, still missing him because days wouldn't be enough to make myself satisfied with his presence, care and love beside me. Sa dami ng nangyayari sa buhay ko ay kailangan ko siya sa tabi bilang sandalan. Well, this is just in my thoughts. Hindi ko rin naman masasabi itong nilalaman ng isip ko, I don't wanna be a burden more because I'm already a fire that's struggling with everything and I don't want to take him in between my love and problems in life.

Ang dami ko pa ngang tanong pero ayaw kong masira ang mood ngayong kasama siya, I just want happy days with him while he's here. I want to just cuddle with him all day and night, that's very comforting for everything happened. He's my favorite breath of fresh wind.

Villareal #5: Rayless Daybreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon