RD 34

37.3K 1.5K 293
                                                  

Please, wait for me to update. I'm not a genius typewriter. Kung naiinip ang "ibang" maghintay, napapagod naman akong mag-isip ng gagawin at magtype ng ilang oras lol. O, baka majudge na naman ako dahil dito, inuunahan ko na. Haha.

Phase 34


We arrived on Jazarah's party normally. Well, for Kaito it came normal but for me it feels so out. Pinakilala ako ni Kaito sa mga kaibigan nila pagkarating na pagkarating naming dalawa sa lugar, they were nice and friendly. Hindi lang talaga ako sanay na makisama masyado, o dahil naiilang ako lalo pa't alam kong hindi ako masyasdong gusto ni Jazarah para sa kaibigan.

Simple kong ginala ang tingin sa mga tao, pili lang siguro ang mga bisita rito dahil mukhang lahat sila'y panatag sa bawat isa at malalapit. Agad dinamba ng yakap si Kaito ng ilang babaeng kaibigan kaya nanatili akong nakatayo at medyo humiwalay sa kanya, but then, Kaito just held my hand while laughing as they welcomed him. Matagal na simula noong huli silang magkita, alam ko dahil hindi umalis ng Australia si Kaito noon. Kaya siguro miss na miss nila ito ngayon.

"Hey, ladies. Stop being clingy!" halakhak ni Kaito, marahan niyang nilipat ang kamay sa aking baywang at nilapit ako sa kanya.

"Stop being clingy!" the girl gasps a mock. "We just missed you terribly! Nagdadamot ka masyado!"

"Ganyan 'yan, hindi pa sana babalik ng bansa kung hindi napilit!" kantyaw ni JB, iyong naipakilala sa akin kaninang kaibigan.

Jazarah looked at me with serious eyes, I just smiled lightly even though it feels weird. Noon, gusto ko siyang makapanatagan ng loob pero hindi ko sinubukan dahil hindi rin naman siya mukhang interesado. Ayoko ipilit ang sarili ko sa taong ramdam kong ayaw sa akin, I don't need to force myself into a friendship that's not including the same way because it'd be hard to cope with. Naghahagikgikan ang ibang yumakap kay Kaito at kumalas din kalaunan. They are holding their own red cups, ngumiti si Kaito kay Jazarah bago binalingan ang ibang nasa harapan namin.

"We're here now," he chuckled. "Anyway, this is Sovereign... Sovie, our friends here. Si Jaz, kilala mo na. Then, we also have Frida and Regine." pakilala niya sa mga babaeng yumakap.

"Our friends, huh. Bakit kay Sovereign, walang label?" halakhak noong Frida.

Ngumisi si Kaito. "Let us sit, please."

Hinawakan na niya ang kamay ko at iginiya patungo sa mahabang lamesa na kanilang puwestong lahat, ilang pakilala pa ang ginawa ni Kaito sa akin at sa mga kaibigan bago ako naging panatag sa inuupuan. Nilagyan agad ako ni Kaito ng makakain sa isang plato, he just let me drink the mild one while they got busy talking about the wedding of Jazarah.

Naging tahimik ako sa dumaang mga minuto habang si Kaito ay halos minu-minuto akong binabalingan, kung hindi nangungulit ay nagtatanong naman kung ayos o gutom ako. Medyo awkward para sa akin ngayon ang kinasanayang ugali ni Kaito dahil sa mapanuring mga sulyap na ginagawad ng mga kaibigan niya.

"Si Sovereign ba 'yung dating nagtatrabaho sa Bohol? On that particular night club, I can't remember the name." biglang tanong ni Regine.

My chest tightened, si Kaito agad ang sumagot doon sa positibong paraan na tila hindi iyon kailanman naging kabawasan sa akin. He smiled and nodded while chewing a porkchop.

"Oo, my favorite place in Bohol every night."

Naghiyawan ang ilang lalaki para asarin si Kaito, ngumiti lang ako ng tipid. Sa tingin naman ng iba parang malaking kabawasan iyon sa kaibigan nila, para sa akin din naman ay nakakahiya iyon lalo na kapag si Kaito ang usapan at ako pang malapit na babae sa kanya ngayon.

"Hindi ba 'yon makakalkal na issue someday laban sayo?" alanganing tanong ni Regine kay Kaito na may pekeng ngiti.

Kumunot ang noo ni Kaito at bahagyang akong sinulyapan, hindi ako nagpahalatang apektado roon para hindi siya mainis.

Villareal #5: Rayless Daybreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon