RD 44

45.9K 1.5K 405
                                                  

"Wala ka na bang balak umuwi, Loraes? Akala ko ba may birthday lang ngayong October at patapos na ang buwan pero nandiyan ka pa rin?"

Mama called me one night, iyon ang gumising sa mahimbing kong tulog. She called me to be online and call her on Skype, I did. She's now on the screen of Primiel's iPad because my laptop was a mess since yesterday. I just borrowed his iPad for this. Kauuwi niya lang din galing duty kaya naligo agad pagkarating.

"Mama, I'm..." I trailed off when I saw Primiel walks out of the bathroom with a white towel around his hips while messing his damp hair to dry up and our eyes met halfway.

"Ano, Loraes?" Mama yelled in irritation. "Hanggang "I'm" ka na lang? Kailan ka uuwi?"

Napasinghap ako at nilihis ang tingin kay Primiel na nakita ko pang ngumisi bago sumampa sa dulo ng kama, sa paanan ko. He bent down to kiss my toe up to my right leg, gustuhin ko man siyang pandilatan ay hindi ko magawa dahil kausap ko si Mama. Winaksi ko ang paa ko para itulak siya pero hinawakan na niya iyon at nagpatuloy sa paghalik patungo sa aking hita. My nape shivered down, tinakpan ko ang camera ng iPad at pinandilatan siya, mabilis ulit akong bumaling kay Mama at bahaw na ngumiti.

"U-Uuwi ako, Ma. Baka next month."

"Aba, noong nakaraan next week lang 'yan, ah? Ngayon, next month na? Loraes, alam kong kaya mo na ang sarili mo pero hindi mo pa rin masasabi. Kalat ang tauhan ni Jodi Ylarde at kapag nakita ka niya ulit diyan, anong gagawin niya? Naku!" she said.

"Mama, nasa Makati ako. Ang layo nito sa Bohol. Dadalaw pa po kami kay Lola para makumusta sila ng pamilya niya."

Nasabi ko kay Primiel iyon, alam yata niya kung saan sila ngayon naninirahan. And Lola's still working just around Laguna where we could visit anytime soon. Ang dami ko pang gustong bisitahin sa Laguna, I'm not sure where are Girbaud and Zoren now but I'll contact them to meet them when we get there.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang plano ni Primiel ukol doon sa kanyang nasabing kasal pero alam kong sa Laguna kinasal ang Mama at Papa niya. If ever we'll marry each other, I want a simple and a quiet one. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa ideyang iyon, noon gusto kong maikasal na enggrande at memorable para sa akin pero ngayon? Gusto ko lang maikasal kay Primiel, kahit saan. Kahit hindi enggrande at walang ibang tao kundi kaming dalawa lang.

"Kami? Sinong kasama mo? Si Kaito? Akala ko ba kay Saint ka namamalagi, ha? Loraes, hindi ka pa sigurado kay Kaito. Kung gusto ka niya, mamanhikan siya sa akin dito ulit pabalik. Hindi 'yung ganyan na parang binabahay ka na niya diyan sa maganda niyang condo. Boto naman ako kay Kaito pero 'tsaka na kayo bumukod—"

"Mama!" nanlalaking matang sambit ko. "H-Hindi po—"

"O, si Kaito lang naman ang kasama mo riyan! Sabihin mo sa kanya, hindi ka niya puwedeng pakasalan diyan. Mayaman at doktor naman 'yon, dapat dito kayo magpakasal, ha."

My eyes broadened at her.

Primiel sat up, mabilis siyang nagsuot ng T-shirt na lukot mula pa sa lapag at sumampa ulit sa kama para tumabi sa akin pero mabilis kong pinatay ang tawag dahil sa gulat at kaba kay Mama. He gasped and glared at me when I did that.

"Why did you end that? I'm not that Kaito and you're surely not with Kaito right now in one room!" he growled. "And why would you marry him!? Did I hear right?"

"Will you calm down!" singhap ko at nilapag ang iPad niya sa bedside table.

"I thought he was just your good friend? Why does your Mama sounds like Kaito's your boyfriend for a long time, huh?"

"Calm down, okay? He's not my boyfriend, never been, Primo! Mama was just so... I don't know, basta. Hindi ko boyfriend si Kaito at alam nila iyon."

Villareal #5: Rayless Daybreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon