Kabanata 24

37K 2.3K 447
                                    

Kabanata 24.

Ikatlong Persona

"Nalalapit na ang ika-labing walong kaarawan ng panganay nating anak, mahal ko." usal ng hari sa reyna habang yakap-yakap ito sa likuran.

Papasikat pa lang ang araw at gustong-gusto ng reyna na masilayan ito tuwing umaga. Kaya naman palagi itong sinasamahan ng hari upang masilayan ito ng sabay.

"Sasabihin mo na ba sa kanila ang totoo?" Natigilan ang reyna.

Sasabihin na nga ba niya ang totoo?

"Paniguradong maglalabingwalong taong gulang na rin siya." Kumalas mula sa pagkakayakap ang hari sa reyna at pinihit ang bewang nito paikot upang mapaharap sa kaniya.

"Manganganib ang buhay natin dahil sa batang 'yon." seryoso nitong wika. Umiling ang reyna bago haplusin ang mukha ng minamahal nitong hari.

"Bata pa lang siya ay nakita ko na sa mga mata niya na hindi siya katulad ng ama niya. Mabait siyang bata." Masuyong hinawakan ng hari ang kamay ng reyna at hinalikan ang likod ng palad nito.

"May dugo pa rin siya ng ama niya. Kapag malaman niya ang totoo, maghihiganti siya't ito na ang magiging katapusan ng buong Emperyo." Hindi nakaimik ang reyna. Maaaring mangyari 'yon, ngunit malakas ang loob niyang hindi 'yon gagawin ng bata.

"Galing siya sa sinapipunan ko kaya alam kong hindi niya gagawin 'yon." Napatitig sa kaniya ang hari. Kahit kailan talaga'y napakapositibo ng pananaw ng reyna.

"Kahit sa sinapupunan mo siya nanggaling, kahit ikaw ang nagluwal sa kaniya, hindi mo siya laman at dugo." ani ng hari. Ngumiti ang reyna.

"Pamangkin ko pa rin siya, mahal ko. Kadugo ko pa rin, at siya na lang ang natatanging ala-alang iniwan sa akin ng yumao kong kapatid." Kapwa natahimik ang dalawa't sabay na pinanood ang mapupulang langit kung saan papasikat na ang haring araw.

"Kapag dumating ang araw at ang tadhana na ang gumawa ng paraan upang magtagpo ang landas natin at ng batang 'yon, hayaan mo sana akong ipakilala ko ang aking sarili bilang ina niya." Walang naging sagot ang hari, bagkus ay hinalikan nito ang noo ng reyna. Hindi niya naman ito kayang tanggihan.

"Pumapayag ako, pero sa oras na malaman kong sumusunod siya sa yapak ng ama niya, patawarin mo ako subalit kailangan kong gawin kung ano ang tama." Tumango-tango ang reyna. She's confident about the child.

Mula sa kaharian mula sa hilaga, dumako naman tayo sa masukal na bahagi ng kagubatan...

"Tell me, did you poisoned her?" matalim na wika ng binata. Hawak-hawak niya ang kwelyo ng lalaking kaharap niya't sa sama ng titig niya baka namatay na ito.

"Why would I? I didn't come there to harm her, I was there with a mission to protect her." mahinahon na sagot ng lalaki.

"If you must protect her, then you should've protected her!" singhal nito.

"She was poisoned, yes, but I'm sure there will be an antidote. Hinanap ko, pero wala. All of it are destroyed at parang sinadya itong sirain," he explained. Lumuwag ang pagkakahawak ng binata sa kwelyo nito.

"I will never hurt her. I will die if I do that," he paused and continued, "Ang problema lang ay mabilis kumalat ang lason. Hindi naman sa wala itong lunas, mayroon ngunit matatagalan ang paghahanap ng mga sangkap nito."

"Who do you think did it?" tanong nito.

"I'm hiding myself in the Institute for five years, so I observe better than anyone else. Marahil gawa ito ng mga taong naiinggit sa kaniya. Sa rami nila ay hindi ko matukoy kung sino sa kanila." lintaya nito.

Elysian Tale: Flare of FrostTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang