Mensahe

74.3K 1.9K 86
                                    

Minamahal na mambabasa,

Ang kuwentong inyong babasahin ay pawang imahinasyon lamang ng manunulat, kaya nawa’y ang mga mambabasa ay mayroong malawak at bukas na isipan upang maunawaan ang mga salita’t bawat pangyayaring maaring sa inyong pananaw ay walang katuturan.

Paala-ala lamang na ang manunulat nito’y hindi perpekto’t nagkakamali rin sa ano mang aspeto. Bawat pangyayari at pagkasunod-sunod ng kuwento’y pinaghirapan ng manunulat kaya utang na loob sana’y walang magtangkang kumopya nito. Ang ano mang pagkakatulad nito sa ibang kuwentong nabasa ninyo’y hindi sinasadya’t pawang nagkataon lamang. Kaya sana’y walang magkomento na inihahalantulad ito sa iba.

Tulad ng sinasabi ng karamihan sa inyo’y nakakasawa na ang mga kuwentong gas-gas na’t paulit-ulit na lamang ang takbo ng pangyayari, ngunit sana’y isipin niyo na hindi rin ito mangyayari kung iiwasan niyong magbigay ng negatibong komento na nagsasabing nanggagaya lamang ang manunulat ng gawa ng iba. Nilulugmok niyo sa pinakamalalim na parte ng kalupaan ang kanilang talento kaya hindi niyo sila masisisi.

Para sa inyong kaalaman, ang manunulat nito’y hindi nagbabasa ng ano mang kuwento upang maiwasang mangopya ng konsepto. Kaya naman babagsak ang kalupaan sa inyong mukha kung magtatangka kayong sabihin na may ginaya ito sa ibang kuwento na inyong nabasa.

Nagmamahal,    

GLC               
Inyong Manunulat

Elysian Tale: Flare of Frostحيث تعيش القصص. اكتشف الآن