Kabanata 20

42.7K 2.3K 384
                                    

Kabanata 20.

Flare

Walang ekspresyon akong naglakad papunta sa Battle Arena. Wala na akong nakakasalubong na mga estudyante't marahil ay nandoon na silang lahat. Ngayong araw na ang monthly examination. Panigurado nga'y nagsisimula na ito.

Hinakbang ko ang mga paa ko pababa ng hagdan. Mula rito ay kitang-kita ko rito ang malawak na Training Grounds. Ekta-ektarya talaga ang laki at lawak nito. Sa pinakagitna naman ay naroon nakatirik ang Grand Hall. Nasa kaliwang bahagi lang ang Battle Arena kung saan gaganapin ang monthly examination.

Naramdaman kong may nakasunod sa akin kaya napalingon ako. Nagtagpo ang tingin naming dalawa pero kaagad din naman siyang nag-iwas ng tingin. Pinanood ko na lang siyang bumaba ng hagdan. Pinulot ko ang kulay asul na balahibo sa sahig at tinapat ito sa mukha ko. Binalik ko ulit ang tingin ko sa kaniya't papasok na siya ng Battle Arena.

I hid the feather inside the pocket of my skirt. Nakababa na ako nang tuluyan sa Training Grounds kaya naglakad na ako papasok ng Battle Arena. Mula sa kinatatayuan ko'y rinig na rinig ko na ang mga sigawan ng mga estudyante sa loob. Mukhang nagsisimula na nga.

Pagpasok ko sa loob ay kasalukuyang naglalaban ang Rank 11 at Rank 10. Mukhang hinamon 'ata ito ng Rank 11. Bukod sa pataasan at palakasan ng abilidad, naging agawan din ng ranggo ang silbi ng monthly examination. Kahit sino ay maaaring hamunin ang sino mang taong sa tingin nila'y kaya nilang talunin.

Kung matatalo ng naghamon ang kalaban niya, siya ang papalit sa ranggo nito. Katulad ng nangyayari ngayon ay hinamon ng Rank 11 ang Rank 10 upang maagaw ang puwesto nito kung saka-sakaling magawa niya itong matalo.

Pag-angat ko ng tingin ko'y nakita ko mula sa itaas ang nga Professors, pati na rin ang Head Mistress. Sabay pa ang mga itong napatingin sa gawi ko nang mapansin nila ang pagdating ko. Iniwas ko muna ang tingin ko sa kanila't binalik ang pansin ko sa kabuoan ng Battle Arena.

Hugis oval ito't mayroon ding mga upuan na paikot at nagkakasunod-sunod ito pataas na mayroong kalahating metro ang pagitan at haba sa isa't-isa. Gayong lahat ay nakaupo, tanaw na tanaw nila mula sa baba ang labanang nagaganap. Umakyat ako sa unang bahagdan ng mga upuan, subalit puno na ang mga ito kaya sinuyod ko ang bawat upuan at nakita kong okupado na ito lahat.

Pagdating ko sa ika-pitong bahagdan, na siyang pinakahuli't pinakatuktok ay doon na lamang mayroong maraming bakanteng upuan. Tahimik akong umupo roon habang pinapanood ang kaganapan sa ibaba. Nagkakainitan na sila't mukhang pareho silang malakas. No one's losing, no one's winning either. Kung sino siguro ang madeskarte sa kanila'y siya ang mananalo.

I closed my eyes for a few minutes. Nakakarinig ako ng mga pagsabog at tunog ng mga bagay na nagsibagsakan. Kahit ano naman ang mangyari sa arena'y hindi naman kami matatamaan sapagkat may panangga na nakasaklob sa kanila upang hindi kami madamay ritong nanonood.

Paglaan pa ng ng ilang segundo, tumunog ang trumpeta. Hudyat na i-aanunsa na kung sino ang nanalo sa kanilang dalawa. The Rank 10 remained on her position, so is the Rank 11. Minulat ko ang mga mata ko nang mapansin ko ang pananahimik ng paligid. Nakita kong may ibinubulong ang Head Mistress kay Professor Gio.

"Looks like the Head Mistress wanted to change the corresponding list of contenders." He's Professor Giovanni Mallari. Our Poisons and Antidote instructor.

Kahit malayo siya sa kinaroroonan ko'y rinig na rinig ko pa rin ang boses niya. Maybe because he manipulated the sound perimeter inside the Battle Arena. Saka ano'ng sinasabi niyang babaguhin ang pagkakasunod-sunod ng listahan ng magkakakalaban?

Elysian Tale: Flare of FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon